991 total views
#DakilangAntiponangO | 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟕 • 𝐎 𝐒𝐀𝐏𝐈𝐄𝐍𝐓𝐈𝐀
Mananahan sa kanya ang Espiritu ng Panginoon,
ang espiritu ng karunungan at pang-unawa,
ng mabuting payo at kalakasan,
kaalaman at pagsunod at paggalang sa Panginoon.
Kagalakan niya ang sumunod at gumalang sa Panginoon.
Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita,
o magpapasya batay sa kanyang narinig. (Isaias 11:2-3)
Tayo’y manalangin.
O Amang Makapangyarihan sa lahat, sa unang pagdating ng Iyong pinagpalang Anak ay Kanyang dinala ang kaligtasan sa sanlibutan: Itulot mo po na sa Kanyang maluwalhating muling pagbabalik; kami nawa’y matagpuan na handang tanggapin Siya at makapiling sa Kanyang kaluwalhatian; Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpasalawang hanggan. Amen.