197 total views
Opisyal nang nilagdaan ng Commission on Elections at Commission on Human Rights ang programang Bantay Karapatan sa Halalan na tututok at magbibigay pansin sa mga karapatang pantao na karaniwang naisasantabi tuwing panahon ng eleksyon.
Ayon kay CHR Chairperson Jose Luis Martin Gascon, layun ng programa na mas maging malawak ang pagtingin ng taumbayan sa mga usapin ng halalan kasabay ng pagpapalakas sa seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan tuwing sasapit ang eleksyon.
“Bantay Karapatan sa Halalan ay isang specific project ng Commission on Human Rights kasama po ng 2-communities – Civil Society Communities, yung Electoral Reform Community po na matagal nang nag-i-engage with COMELEC at ang Human Rights Community so yung initiative na ito ay pagtatagpo namin – CHR, Electoral Reform Groups saka Human Rights Groups sa pakikipagtulungan with COMELEC para magarintyahan ang isang mapayapa at malayang halalan sa 2016.. “bahagi ng pahayag ni Gascon.
Noong 2013, ayon sa tala ng PNP umabot sa 81 ang kaso ng election-related violence sa buong bansa mas mababa kumpara 176 na kaso ng karahasan kaugnay ng halalan noong 2010.
Sa panlipunang Katuruan ng Simbahan, ang pagpapahalaga sa kalayaan ng bawat isa sa pagpapahayag ng sariling opinyon at pagdedesisyon ay nararapat tupdin at hindi pigilan sa anu pa mang pamamaraan pagkat ito ay bahagi ng karapatang pantao ng bawat mamamayan.