229 total views
Umaasa si Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission na susuportahan ng mga mamamayan partikular ng mga lingkod bayan ang kanilang inilunsad na Project Serendipity Fund.
Ayon sa Obispo, layunin ng programa na direktang maglaan ng 20-porsyentong pondo ang pamahalaan para sa Social Welfare ng bawat mamamayan upang labanan ang kahirapan sa bansa.
Ipinaliwanag ni Bishop Bastes na ang pondo ay dapat gamitin sa mga programang pangkalusugan, pabahay, edukasyon, livelihood, emergency recovery sa panahon ng kalamidad at maging sa retirement pension para sa mga mahihirap.
“Sana with that Project Serendipity the people will no longer be dependent of who it is in the government, that they are more empowered to do it that’s why 20% sana of the whatever the government have every year should be automatically going to the Social Welfare of our people so that the people will have housing, education, retirement, the health whatever, whoever is there and so this 20% will no longer be stolen by the politicians..” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas
Tiwala si Bishop Bastes na kung magiging matagumpay ang Project Serendipity ay mas maiiwasan ang katiwalian at pagnanakaw ng mga tiwaling opisyal sa kaban ng bayan sapagkat otomatiko ng nakalaan ang naturang pondo para sa programang pang-mamamayan.
Kaugnay nito, sa kasalukuyan tinatayang aabot sa 62.3-bilyong pisong pondo ang inilaan ng pamahalaan sa may 4.3-milyong mahihirap na pamilya na beneficiaries ng Conditional Cash Transfer Program o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.