333 total views
Paiigtingin ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez ang pangangalaga sa mga protected areas ng Pilipinas.
Ayon sa Kalihim kung sa nakaraang administrasyon ay tila napabayaan at hindi nabigyan ng kaukulang pangangalaga ang mga naturang lugar, ngayon ay panahon na upang muling mapagyabong at manatiling sagrado ang biodiversity ng mga protected areas.
Kaugnay dito, sinuspindi na ng DENR ang Environmental Compliance Certificate ng Austral Asia Link Mining Corporation sa Mati Davao, dahil ang mismong operasyon ng mina ay napapagitnaan ng Pujada Bay isang protected area at ng Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary na isang UNESCO World Heritage site.
“No more mining in any Protected Area! Okay? And if any MPSA (Mineral Production Sharing Agreement) was given, even if it was given prior, then we will still take on the policy of common good,” pahayag ni Lopez.
Samantala, nagdeklara din ng 29 na priority areas ang DENR, na karamihan ay mga watershed at kagubatan.
13 areas mula sa Luzon kabilang na ang Sierra Madre sa Luzon, anim pang lugar mula naman sa Visayas, at 10 lugar sa Mindanao kasama na nga ang Mt. Hamiguitan sa Mati Davao.
Nauna nang idineklara ng kanyang kabanalan francisco ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan dahil sa balanseng kapaligiran nakasalalay ang kaayusan ng buhay ng bawat pamayanan.