1,840 total views
Tinalakay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Vietnam Embassy ang pagpapaigting ng proteksyon sa mga mangingisda.
Ito ay sa ginanap na courtesy call ni Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung sa sa AFP General Headquarters Quezon city.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt.Gen Bartolome Vicente Bacarro, tiniyak ng panig ng Pilipinas at Vietnam ang pagtutulungan upang mapabuti ang kalagayan ng mga mangingisda.
Napagkasunduan ng magkabilang panig ang pagpapatupad ng mahigpit sa polisiya laban sa mga ilegal na pamamaraan ng pangingisda sa lahat ng economic zones sa bansa.
“Ambassador Hoang and CSAFP discussed security and stability and the need for an enhanced dialogue and cooperation to effectively address challenges in the region.” mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Col.Jorry Baclor – Chief of Public Affairs Office ng AFP
Tiniyak rin ni Ambassador Hoang ang panunumbalik ng military cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam matapos itong humina ng dahil sa naganap na pandemya.
Batay sa datos ng International Labor Organization, aabot sa 1.01-milyong mangingisda ang nawalan ng kabuhayan ng dahil sa pandemya na pinakamalaking datos para sa mga bansang kabilang sa Southeast Asia.
Unang nananawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pamahalaan na tulungan ang mga manggagawa upang magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa.