4,360 total views
Inihayag ni Senator Cynthia Villar na dapat paigtingin ng mamamayan ang pangangalaga at proteksyon sa coastal areas at marine resources sa bansa.
Sinabi ng mambabatas na chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, na mahalagang mabigyang proteksyon ang karagatan at wetlands lalo’t isang archipelago ang Pilipinas na pinanahanan ng iba’t ibang yamang dagat.
“It becomes all the more important given that the Philippines is an archipelago endowed with vast coastal and ocean resources, including critical habitats, mangroves, coral reefs, seagrass beds, seascapes, and endangered and vulnerable marine flora and fauna, all of which provide both economic and ecological benefits for the present and future generations.” bahagi ng pahayag ni Villar.
Bagamat batid ni Villar ang pagtugon sa pangangailangan ng lumalagong populasyon ng bansa hindi dapat isasantabi ang pangangalaga sa karagatan at labanan ang anumang uri ng reclamation projects na makasisira sa karagatan gayundin sa kabuhayan ng mamamayan.
Tiniyak ng mambabatas ang proteksyon sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park (LPPWP) sa planong reclamation na makasisira sa ecological function ng lugar.
Sa pag-aaral ng National Fisheries Development Institute maraming fish eggs ang matatagpuan sa pangunahing wetlands sa Kamaynilaan tulad ng Pasay, Parañaque, Las Piñas, Taguig,Pateros and Muntinlupa, CAMANAVA ( Caloocan, Malabon, Navotas, and Valenzuela) at Bulacan kung saan ito ang nangungunang nagsusuplay ng isda sa National Capital Region.
“I am very determined to stop these proposed reclamation projects that threaten the survival of this protected area. We should remember that it is within wetlands like the LPPWP that life in our oceans begins. They are the nursery grounds for many marine species that end up on our plates.”ani ng mambabatas.
Sa datos ng Philippine Reclamation Authority nasa 22 ang reclamation projects sa Manila Bay kung saan kalahati nito ang sinimulan na habang 30 iba pang proyekto sa labas ng Manila Bay.
Matatandaang noong 2021 kinundena ng grupo ng mangingisda ang ang kompanyang nakakuha ng environmental certificate compliance para magsagawa ng seabed quarry sa mahigit dalawang libong ektaryang karagatan sa Ternate at Naic Cavite.
Mariin ang panawagan ng simbahang katolika na magkaisa ang mamamayan sa pagprotekta sa kapalilgiran at sa likas na yaman alinsunod sa panawagan ni POpe Francis sa ensiklikal na Laudato Si.