412 total views
Ito ang paalala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa bawat botante na boboto sa National and Local Elections 2022.
Ayon sa Obispo, mahalagang protektahan ng bawat isa ang kanilang boto sa pamamagitan ng pagsusuri sa resibo kung tama ang nasasaad dito kumpara sa kanilang mga boto sa balota.
Pagbabahagi pa ni Bishop Bacani, bukod sa pananalangin para sa pagkakaroon ng mapayapa at matapat na halalan ay mahalaga ring maging handa ang bawat isa na tanggapin kung anuman ang magiging resulta ng eleksyon.
“Go out and vote! Protect your vote. Read the receipt to see that the ones you voted for are properly listed. Pray for honest and peaceful polls until the end. Accept the results of a peaceful and honest election and unite after the results are known.” Ang bahagi ng pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa Radio Veritas.
Samantala, ipinapanalangin naman ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang resulta ng halalan na maging tunay na salamin ng kalooban at kagustuhan ng taumbayan na magkaroon ng maayos at matapat na pamahalaan.
Paliwanag ni Bishop Ulep, dapat na maging handa ang bawat isa na igalang at tanggapin ang resulta ng halalan na nawa ay para sa kabutihan at kapakanan ng buong bayan.
“I just cast my vote with God as my only witness. I have done my duty and exercised my right. Let us continue to pray for a Peaceful, Honest and Orderly conduct of the elections. May the results be truly reflective of the will of the people. It behooves each one of us to respect and accept the official results. God bless the Philippines! God bless the Filipino People!” ang mensahe ni Batanes Bishop Danilo Ulep.
Naunang nanawagan ang mga lider ng Simbahang Katolika na tanggapan ang resulta ng May 9, 2022 national at local elections.
Read:Obispo, ipinagdarasal na manaig ang kalooban ng Panginoon sa 2022 national at local elections