Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Protektahan ang mga batang apektado ng digmaan

SHARE THE TRUTH

 385 total views

Mga Kapanalig, isang buwan na ang gulo sa Marawi at hindi pa natin natatanaw ang katapusan nito. Marami na ang lubhang naapektuhan ng krisis na ito—mga bahay at gusaling nasira, mga taong nawalan ng tirahan at kabuhayan, mga pamilyang nagkahiwalay, at mga buhay na nawala. Tunay nga namang trahedya at paghihirap lamang ang nakakamit natin sa digmaan. At ang higit na naapektuhan sa mga labanang ito ay ang mga batang musmos. Sabi nga ni Eglatyne Jebb, isang kilalang tagapagtanggol ng karapatan ng mga bata at nagtatag ng NGO na Save the Children, “Every war is a war against children.” Ang bawat digmaan ay digmaan laban sa mga bata.

Sa panahon ng giyera, nalalantad ang mga bata sa napakaraming kapahamakang nag-iiwan ng matinding lamat sa kanilang pagkatao. Ayon sa Department of Education, tinatayang mahigit sa 20,000 batang mag-aaral sa Marawi ang lumikas patungo sa mga evacuation centers o nakikitira ngayon sa kanilang mga kamag-anak sa iba’t ibang lugar. Nahinto ang kanilang pag-aaral at hindi pa tiyak kung kailan sila makababalik sa kanilang mga paaralan, kung hindi pa tuluyang nasira ang mga ito. Kaya’t inatasan ng DepEd ang mga prinsipal ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa na tanggapin ang mga batang lumikas mula sa Marawi upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Maliban sa problema sa pag-aaral, nalalagay din sa panganib ang kalusugan ng mga batang bakwit. Dahil sa siksikan at kakulangan sa pagkain, tubig, gamot at sanitasyon sa mga evacuation centers, marami sa mga bata ang nagkakasakit. May mga batang nakararanas ng matinding takot, depresyon, at trauma bunga ng mga putukan, pagkawalay sa pamilya, pagkasira ng kanilang mga bahay, at pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan. Kapag hindi sila nabigyan ng angkop na tulong sa lalong madaling panahon, makaapekto ito sa kanilang paglaki at maaaring pang maging sanhi ng kanilang kamatayan. Isang 14 na taóng gulang na bata na nga ang naiulat na nadamay at napatay sa gitna ng bakbakan.

Kaya’t napapanahon ang paghahain ng isang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong protektahan ang mga bata sa mga sitwasyon ng digmaan. Pumasa noong Mayo sa Committee on the Welfare of Children sa Mababang Kapulungan ang Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Act. Layon ng panukalang batas na protektahan ang mga bata laban sa lahat ng mga pang-aabuso, karahasan, kapabayaan, kalupitan at diskriminasyon sa panahon ng digmaan. Isinusulong din nito ang paggalang at pagsulong sa karapatan ng mga bata katulad ng karapatan nila sa pagtanggap ng angkop na serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at suportang sikolohikal. Pipigilan din ng batas ang pag-recruit ng mga bata upang isali sa mga labanan. Ituturing din ang mga batang nasasangkot o apektado ng digmaan bilang mga biktimang kailangang bigyan ng tulong at suporta. Bagamat may mga probisyon sa panukalang batas na kailangan pang suriing mabuti, malinaw ang layunin nitong tiyakin ang kapakanan ng mga batang apektado ng digmaan.

Mga Kapanalig, hindi tamang ituring ang mga batang naiipit sa gulo bilang “collateral damage” lamang, mga hindi sinasadyang biktima ng digmaan. Sabi nga ni St John Paul II, “Karahasan ang bunga ng karahasan… Ang digmaan ay pagkatalo, kabiguan ng katwiran at ng sangkatauhan.” At sa digmaan, pinakatao ang mga inosenteng bata. Ngunit sa mga pagkakataong nariyan na ang digmaan, tiyakin nating lahat na napangangalagaan ang buhay at dignidad ng bawat tao sa mga apektadong lugar, lalung-lalo na ng mga bata.

Sa huli, hindi sapat ang pagkakaroon ng mga batas. Sa abot ng ating makakaya, lagi nating piliin natin, bilang isang bayan, ang kapayapaan kaysa sa digmaan. Lagi nating isaalang-alang ang mga batang aani sa kanilang kinabukasan ng anumang bunga ng ating mga pasya sa kasalukuyan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,647 total views

 43,647 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,722 total views

 54,722 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 61,055 total views

 61,055 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,669 total views

 65,669 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 67,230 total views

 67,230 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 43,648 total views

 43,648 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 54,723 total views

 54,723 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 61,056 total views

 61,056 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 65,670 total views

 65,670 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 67,231 total views

 67,231 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,958 total views

 43,958 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,619 total views

 66,619 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,195 total views

 72,195 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,676 total views

 77,676 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,789 total views

 88,789 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,788 total views

 84,788 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,490 total views

 72,490 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,972 total views

 80,972 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,031 total views

 74,031 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,955 total views

 80,955 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top