259 total views
Nahaharap na sa malalang krisis ang political system sa Pilipinas.
Ikinalulungkot ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na humantong na ang pulitika bansa na halos walang mapagpiliang mga kandidato ang mga botante na iboboto sa ika-9 ng Mayo, 2016.
Ayon kay Archbishop Cruz, marami nang mga botante ang nalilito at hindi malaman kung sino talaga ang iboboto dahil wala nang mapapagpilian.
Inihayag ni Archbishop Cruz na tanging ang mga supporters at mga nabayarang mga botante ang mayroong katiyakan na maisusulat sa balota pagdating ng eleksiyon.
Binigyang diin pa ng Arsobispo maging ang batuhan ng mga baho at pagbubulgar ng katiwalian ng mga kandidato ay hindi makatulong sa mga botante.
Naninindigan si Archbishop Cruz na naging paraiso na sana ang Pilipinas at hindi na dumaranas ng kahirapan ang mga mamamayan kung mula’t simula pa ay tinatupad ng mga kandidato ang mga ipinangako tuwing halalan.
“Frankly, noong nakita ko yun at narinig ko napahiya ako sa aking sarili, ito ba yung mga pagpipilian nating mga kandidato para presidente at vice president? in other words para akong natutunaw sa ating bansa. Matagal na ito na ang ating mga pinuno ay masyadong maraming pinapangako pero wala naman talagang nangyayari? minsan nga nasabi ko na kung ang magpulitiko ay sana ay nagawa ang kanilang mga ipingako magmula pa noon ay naku langit na itong lupa, langit na itong Pilipinas,eh hanggang sa ngayon wala pa kundi mas naging mas masahol pa sa dati.”pahayag ni Archbishop Cruz
Sa ika-siyam ng Mayo, Mahigit 18-libong posisyon ang dapat maihalal sa darating na halalan at dapat pagtuunan ng pansin ng may 54.6 na milyong mga botante.