Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pulitikang kumikiling sa kapayapaan at buhay ng tao

SHARE THE TRUTH

 207 total views

Mga Kapanalig, katulad ng sinabi ng mga pulis sa kaso ng pagpatay kay AKO Bikol party-list representative Rodel Batocabe noong Disyembre, pulitika rin ang nakikita nilang nasa likod ng tangkang pagpatay kay Mayor Lakambini Reluya ng San Fernando, Cebu. Noong isang linggo, in-ambush ang sasakyan ng alkalde habang bumibiyahe sa Talisay, Cebu. Nakaligtas sina Mayor Reluya at dalawa pa niyang kasama, ngunit hindi ang kanyang asawa at dalawa pang tauhan. Bago ang krimen, nakatatanggap na raw ng death threats ang alkalde na muling tatakbo sa halalan sa Mayo. Maituturing nga itong kaso ng election-related violence.

Kinundena ng Malacañang ang ambush at ipinangakong gagamitin ng mga awtoridad ang “full force and effect” ng batas upang panagutin ang mga kandidatong gumagamit ng karahasan, mawala lamang ang kanilang mga makakalaban. Huwag naman sana ngunit hindi malayong madagdagan pa ang ganitong mga pangyayari habang papalapit tayo sa araw ng halalan. Ayon sa Philippine National Police o PNP, may 18 bayan at siyudad na itinuturing nilang “areas of grave concern” ngayong eleksyon, samantalang dalawang lugar na ang opisyal nang tinawag na “hotspot” ng Commission on Elections o Comelec. Ngunit hindi lamang ang mga lugar na ito ang babantayan ng awtoridad. Ngayong nagsimula na ang election period, mas hihigpit ang pagbabantay ng mga pulis. Mahigit 18,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa at maraming checkpoints ang ilalagay sa mga pangunahing lansangan. Umiiral na rin ang gun ban, ngunit maaari pa ring kumuha ng bodyguards ang mga kandidato basta’t may permiso sila mula sa Comelec. Sapat kaya ang mga ito upang hindi na maulit ang nangyari kina Congressman Batocabe at Mayor Reluya?

Mga Kapanalig, ang malayang halalan ay mapayapang paraan ng pakikilahok nating mga mamamayan sa ating lipunan. Hindi dahas at bala kundi balota ang gamit natin upang piliin ang mga mamumuno sa atin at upang papanagutin sila sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong mas karapat-dapat kaysa sa kanila. Itinuturing maging ng mga turo ng Simbahan ang malayang halalayan bilang porma ng social control sa ating mga lider. Kaya’t nakadidismayang mga pulitiko mismo—lalo na ang mga ganid sa kapangyarihan—ang dumudungis sa kapayapaang itinataguyod ng malaya at demokratikong halalan.

Pagkakataon para sa ating mga botante ang panahon ng kampanya upang kilatisin ang mga nais makuha ang ating boto. At maliban sa kanilang plataporma at track record, maging batayan nawa natin sa pagboto ngayong Mayo ang pagkiling ng mga kandidato sa kapayapaan at sa pagtataguyod ng buhay ng tao. Hamon ito sa kasalukuyan nating kalagayan dahil marami sa mga lider natin ang nais pairalin ang karahasan at takot sa ating bayan o pinipiling manahimik sa harap ng kaliwa’t kanang patayan. Ngunit hindi ito dahilan upang hindi natin piliin ang mga kandidatong naniniwalang posible ang isang pulitikang malinis at nagsusulong ng kapayapaan.

Sa madaling salita, patunay na hindi dalisay ang hangarin ng mga kandidatong nais maglingkod sa taumbayan kung hindi nila sinusunod ang mga tuntunin sa panahon ng eleksyon gaya ng paggamit ng armas o armadong grupo sa ngalan ng kapangyarihan. Hudyat sana iyon ng hindi natin pagboto sa kanila.

Mga Kapanalig, nakasalalay sa ating mga botante hindi lamang ang tagumpay ng idaraos na eleksyon kundi ang pagkakaroon ng pulitikang nagsusulong ng kapayapaan at nagtataguyod ng kasagraduhan ng buhay ng tao. Kasama tayo sa mga nananawagan para mabigyan ng katarungan ang mga pulitiko at inosenteng biktima ng karahasang dala ng marumi at makasariling pamumulitika. At kasabay ng pananalangin para sa mapayapa at malinis na eleksyon sa Mayo, piliin natin ang mga pangalan sa ating balota na malinis lumaban at naninindigan para sa buhay ng tao at sa kapayapaan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 34,818 total views

 34,818 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 45,893 total views

 45,893 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 52,226 total views

 52,226 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 56,840 total views

 56,840 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 58,401 total views

 58,401 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 34,819 total views

 34,819 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 45,894 total views

 45,894 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 52,227 total views

 52,227 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 56,841 total views

 56,841 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 58,402 total views

 58,402 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,204 total views

 43,204 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 65,867 total views

 65,867 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,443 total views

 71,443 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 76,924 total views

 76,924 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,037 total views

 88,037 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,036 total views

 84,036 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,738 total views

 71,738 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,220 total views

 80,220 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,279 total views

 73,279 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,203 total views

 80,203 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top