Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 548 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 01 Setyembre 2022, Luke 5:1-11

Nakisakay lang si Hesus sa bangka ni Simon Pedro para pagbigyan ang mga taong nasa dalampasigan na ibig makinig sa kanya. Kakaibang klaseng Rabbi nga naman ito. Kakaiba dahil ang karaniwang mga Rabbi noon ay sa loob lang ng mga sinagoga nagtuturo. Siya, kahit saan—sa mesa, sa kalsada, sa palengke, sa bundok, o sa dalampasigan tulad ng kuwento natin ngayon.

Mukhang masyadong bumilib si Pedro sa galing na magpaliwanag nitong Rabbi na sumakay sa kanyang bangka. Pati siya na dapat sana’y abala sa paglilinis ng lambat at nakababad sa tubig ay nahumaling din sa pakikinig sa kanya. Napagmasdan siguro niya sa mukha ng mga nakikinig kung paano nahuli ng Rabbi na ito ang loob nila. Kaya sa palagay ko, kung gagamitin natin ang imahinasyon at magri-“reading between-the-lines” tayo nang kaunti, mahuhulaan natin ang naging simula ng pag-uusap nila ni Hesus: “Ang galing naman ninyong titser, sir. Huling-huli ninyo ang loob ng mga nakinig sa inyo. Kumbaga sa mangingisda, grabeng dami ng mga isda na nahuhuli ng lambat ninyo. Ano ba ang sikreto?”

At ang sagot niya ay, “Pumalaot kayo. Ihulog n’yo ang lambat sa malalim na tubig at makakahuli kayo.” Akala siguro ni Pedro hindi sila nagkaintindihan. Akala niya mali ang dinig ni Hesus sa sinabi niya. Ang “husay” na tinutukoy niya ay tungkol sa panghuhuli ng kalooban sa pangangaral niya. Kaya siguro sumakay na lang siya sa sinabi ni Hesus, “Magdamag na nga kaming nangingisda pero wala kaming nahuli. Pero sige, sabi n’yo e.” Ininterpret niya nang literal ang sinabi ni Hesus. Hindi niya alam, talagang ganoon kung magturo ang Rabbi na ito. Mahilig magsalita o kumilos nang patalinghaga.

Sa Bibliya, sa Old Testament, may mga propetang ganoon din kung magturo. Kung minsan imbes na magturo sa pamamagitan ng salita, gumagamit sila ng tinatawag na “symbolic prophetic action” na kung minsan ay may pagka-weird. Halimbawa, si Ezekiel kumain daw ng scroll o libro para ipahayag na ang salita ng Diyos ay masarap na pagkain. O si Jeremias binali ang pamatok, para sabihing papatapos na ang pagkakaalipin ng bayan.

Kailan ba nakuha ni Pedro ang punto ni Hesus? Nang pumalaot nga sila, naghulog ng lambat, nakahuli ng marami at napaluhod siya at nagsabing, “Layuan n’yo ako, isa akong taong makasalanan.” Noon niya nakuha ang punto. Ibig niyang sabihin, “Panginoon, hindi po ako marunong at banal na tulad n’yo; hindi ko kaya ang ginagawa ninyo . Ni hindi ako marunong magsalita sa publiko na tulad n’yo. Paano ako manghuhuli ng loob para sa kaharian ng Diyos?”

At ang sagot ni Hesus ay “Hindi problema iyon. Sumunod ka lang sa akin. Tuturuan kita. Huwag kang manatili sa mababaw na tubig. Pumalaot sa malalim kahit mapanganib, kahit humarap ng bagyo at unos. Tuturuan kitang lumakad sa tubig. Ako ang bahala sa iyo, manalig ka lang sa akin.”

Siguro ito ang tinutukoy ni San Pablo na karunungan sa ating first reading. Pagiging bihasa, hindi sa paraan ng daigdig, kundi sa paraan ng kaharian ng Diyos. Maraming dapat bitawan o talikuran para matuto sa paraan ng Diyos. Mahirap turuan ang nag-aakalang marunong na siya. Ang tunay na karunungan ay natatamo lang ng tao kapag kaya nating tanggapin ang ating kamangmangan. Ang tunay na kabanalan ay nagsisimula pa lamang kapag kapag ang tao’y nagkakaroon ng kababaang loob na amining siya’y makasalanan, katulad ni Pedro. Paano mapupunuan ang hindi tumatanggap ng pagkukulang?

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 30,862 total views

 30,862 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,518 total views

 45,518 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,633 total views

 55,633 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 65,210 total views

 65,210 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,199 total views

 85,199 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,363 total views

 7,363 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,493 total views

 9,493 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,492 total views

 9,492 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,494 total views

 9,494 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,490 total views

 9,490 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,363 total views

 10,363 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,564 total views

 12,564 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,597 total views

 12,597 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,951 total views

 13,951 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,047 total views

 15,047 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,256 total views

 19,256 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,974 total views

 14,974 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,344 total views

 16,344 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,606 total views

 16,606 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,299 total views

 25,299 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top