183 total views
Tinanghal bilang Best Campus Hour School sa katatapos lamang na ‘Campus Hour Season 8’ awarding ceremony ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) na ginanap sa Universidad de Manila.
Nakuha din ni Carlo Manansala ng PUP ang Best Male Anchor Award; habang Best Female Anchor naman si Rai Erika Rimas ng Collegio de San Juan De Letran, Calamba.
“Samahan ninyo po kami, as part of Radio Veritas. Please continue to help us and support us in spreading the Good News in spreading the Truth! Sana po hindi lang ito bilang academic requirement kungdi ito po ay becomes our mission us Christians… to spread good news, to spread hope and to spread the Truth,” bahagi ng mensahe ni Fr. Roy Bellen, Radio Veritas Vice-president.
Ilan pa sa mga paaralan ang nag-uwi ng pagkilala ay ang Lungsod ng Muntinlupa ang Audience Choice Award at Best Radio Drama Program; Social Savy Award at Best Audio Production ang Far Eastern University.
Best Campus Hour Theme Song ang Bulacan State Univeristy; Best Audio Production St. Paul University, Manila; Best Production Team ang Pamantasan ng Maynila; Veritas Truth Award ang Centro Escolar University, Malolos at Best Radio Counseling ang Univesidad ng Manila.
Ang Campus Hour Program ng Radio Veritas –ay programang inilaan ng himplilan para sa mga Mass Communications students mula sa iba’t ibang paaralan na layuning mapag-ibayo ang kanilang kakayanan bilang tagapagpahayag ng Mabuting Balita at Katotohanan.
Dumalo rin sa pagdiriwang si Dr. Clifford Sorita- Campus Hour Program Director; mga dekano at mga kinatawan ng mga kasaping kolehiyo at unibersidad.
Ngayong Season 9, may sampung mga unibersidad ang magiging bahagi ng Campus Hour na mapapakinggan tuwing Sabado 2:30 – 3:30 ng hapon sa Radio Veritas.