269 total views
Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs (CBCP – PCPA) na tuluyan ng maipapatupad ang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III na Republic Act No. 10754 o ang panukalang magbibigay ng 12-percent value added tax (VAT) exemption sa mga persons with disabilities (PWDs).
Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng komisyon, huwag nawang manatili lamang sa papel ang implementasyon ng pinirmahang batas ni Pangulong Aquino kundi ito maipatupad upang mabawasan man lang ang pasanin na kikaharap ng mga PWDs sa bansa.
“Sana ma – implement na, sana in favor with our disabled people. Lahat naman ng ways to help the less fortunate yung mga may kapansanan is always welcome. Pero whether they will implement it at kung mayroon pang proseso para sa split compliance. Yun ang ating prayer talaga that we hope na it will happen talaga. Hindi lamang papansin, hindi lamang salita kundi gawa,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.
Nabatid makatatanggap ng 20 percent discount ang mga PWDs sa mga medical services, pamasahe, at admission fees sa mga sinehan ngunit bago pa malagdaan ang batas na ito, nagbabayad pa rin sila ng 12 percent VAT.
Una na ring nagpahayag ng pag-aalala ang mga PWDs na baka matulad sa SSS pension hike bill ang kahahantungan ng panukala para sa kanila.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 1.5 million ang populasyon ng mga PWDs sa bansa.