507 total views
Nagkaisa ang mga transport, commuters at youth group na iparating sa pamahalaan na tutukan ang kalagayan ng Persons With Disablities (PWD) sa transportasyon.
Iginiit ni Ira Cruz – Executive Director Move as One Coalition (MAOC) M-A-O-C sa Radio Veritas na pangunahing karapatan ng sinumang mamamayan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng pantay na access sa mga pampublikong transportasyon.
“Mobility is very important in cities and is a right of every citizen. Given the challenges posed by the Covid-19 pandemic, increase in fuel prices, and the ongoing crisis in mobility, government must do more to guarantee access to transportation to ensure that citizens can exercise their right to vote,” ayon sa mensaheng ipinada ni Cruz sa Radio Veritas.
Binigyan diin ng M-A-O-C na napapanahon ng magpatupad ng mga batas na tutulong sa mga PWDs sa kanilang pagbiyahe at pag-kilos.
Nakasaad din sa apela na dapat ring pagtibayin ng pamahalaan at tiyakin ang pag-iral ng mga naunang batas na nilikha na akma sa pangangailan ng mga disabled persons katulad ng Magna Carta of persons with disablities law at Accesibility law.
Tinukoy ng mga grupo na malaking bahagi sa sistema ng pampublikong transportasyon ay hindi naayon sa pangangailangan ng mga PWD.
Ito ay dahil narin mahigit 40% sa 1.44-milyong PWD ayon sa datos ng Department of Health ang mobility impaired o hirap at halos hindi makabiyahe’t magamit ang mga public transportation ayon sa joint statement.
“Of the 1.44 million Filipinos with Disabilities’. 12% have severe cases’ and 39.7% are mobility-impaired’.
Despite laws protecting and promoting their rights and well-being, structural, architectural, and attitudinal barriers impede them from accessing basic services and enjoying their equal rights. We call on the Phílippine government to refine existing laws and strengthen enforcement through sufficient budget allocation, inclusive planning, and proper implementation to truly make public establishments. transportation facilities. and pedestrian infrastructure accessiblefor Persons with Disabilities” ayon sa panawagan ng mga grupo.
Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsasabatas ng Republic Act 11650 na magpapatupad ng mga programa at magtatatag ng mga inclusive learning facilities na nakaayon sa pangangailangan ng mga kabataan at mag-aaral na may kapansanan.