18,923 total views
Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na maari ring makatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng CHR.
Umaasa rin ang Komisyon sa Karapatang Pantao na ganap na mabigyang katarungan ng isinasagwang pagdinig ng QuadComm ang lahat ng mga biktima ng EJK sa bansa sa pamamagitan ng pagpapanagot sa lahat ng mga nasa likod ng marahas na implementasyon ng War on Drugs.
“The CHR is closely monitoring the testimonies and emerging pieces of evidence, which may contribute to our own ongoing investigations. We are hopeful that the Quad Committee’s inquiry will lead to tangible progress in advancing justice for the victims of EJKs.” Bahagi ng pahayag ng CHR.
Bilang isa sa mga resource speakers sa imbestigasyon ng Quad Committee ay tiniyak ng CHR ang pakikiisa upang mabigyang liwanag, katotohanan at katarungan ang sinapit ng mga biktima ng marahas na War on Drugs sa pagpapanagot sa lahat ng mga nasa likod ng karahasan.
umaasa rin ang Simbahang Katolika na maging makabuluhan ang isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso upang tuluyang mabigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan.
Nanatili namang hindi tugma ang mga datos sa tunay na bilang ng mga nasawi sa kontrobersyal na War on Drugs kung saan nasa 7,000 lamang ang opisyal na tala ng Philippine National Police habang aabot naman sa mahigit 30,000 ang datos na naitala ng mga human rights groups sa bansa.