147 total views
Ginawaran ng pagkilala bilang Best AM Station ang Radio Veritas 846 sa ika-17 Gawad Tanglaw ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.
Ang pagkilala ay tinanggap ni Fr. Bong Bongayan- assistant to the president ng Radio Veritas na ginanap sa Museo ng Muntinlupa para sa taunang pagkilala.
Ang church run-Radio Veritas ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Archdiocese of Manila na pinamumunuan ni Fr. Anton CT Pascual bilang pangulo ng himpilan.
Base naman sa Kantar survey, ang Radio Veritas ay nasa ika-apat na posisyon sa mga AM radio stations na pinapakinggan ng publiko sa Mega Manila.
Higit naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Radio Veritas sa pagkilalang tinanggap at inilalaan din ang karangalan para sa Kapanalig Community na masugid na nakikinig at sumusuporta sa Radyo ng Simbahan.
Nitong nakalipas na ika-21 ng Abril, ipinagdiwang ng Radio Veritas ang kanyang ika-50 anibersaryo sa pagtataguyod ng katotohanan at katarungan para sa mga tagapakinig.