490 total views
Ipinagluluksa ng Dominican Province of the Philippines ang pagpanaw ni Fr.Erasmo “Sonny” Ramirez,OP, na kilalang spiritual adviser ng mga public figure sa bansa.
Sumakabilang-buhay ang kilalang paring Dominikano sa edad na 74 na taong.
Si Fr. Ramirez ay nagtapos sa Colegio de San Juan de Letran at isa sa Letran Grandes Figuras Awardee noong taong 2017.
Isa rin si Fr. Ramirez sa mga nagtatag ng Oasis of Love Charismaric Community noong 1988 at isa sa mga founding preachers ng ‘Siete Palabras’ na isang Lenten tradition tuwing Biyernes Santo na pag-alala at pagninilay sa ‘Huling Pitong Wika ni Hesus’.
Pumanaw ang Pari noong Sabado ng tanghali ika- 10 ng Oktubre dahil sa acute myocardial infractions at aspiration to pneumonia.
Unang naging matagumpay ang pagsailalim ni Fr. Ramirez sa kidney transplant procedure ngunit tumanggi na ito na sumailalim sa heart surgery nang makitang may bara sa kanyang puso dahil sa pagiging diabetic.
Isang burial mass ang gagawin para kay Fr. Ramirez ganap na alas-tres ng hapon sa ika-12 ng Oktubre na maaring matunghayan sa live streaming ng Dominican Province of the Philippines Official facebook.
Magdiriwang sana ng kanyang ika-75 taong kaarawan si Fr. Ramirez sa darating na ika-31 ng Oktubre.
Nagpaabot naman ng dasal at pakikiramay ang pamunuan ng Radio Veritas sa mga naiwang mahal sa buhay ng Priest icon.
Matatandaang naging anchor producer si Fr.Ramirez ng “Buklod Bayan program” sa Radio Veritas 846 na noo’y DWRV 846 kasama ng namayapang program director na si “Tatang” Orly Punzalan.