383 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan. Ayon kay Marawi Bishop Edwin de la Peña – Chairman ng CBCP Episcopal Commission for Interreligious Dialogue, kaisa maging ang mga Kristiyano’t Katoliko sa pagbibigay halaga sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim. Nagpaabot rin ng panalangin ang Obispo para sa kapakanan ng mga kapatd nating Muslim para sa kanilang isang buwang pagsasakripisyo at maging pagbabahagi ng tulong sa kapwa.
“We belong to the Christian Community of the Prelature of Marawi and we are one with you in respecting and supporting your practice of Ramadan especially as you prepare yourselves to make a big sacrifice of 1 month of fasting intense prayer and making works of mercy especially to the less fortunate brothers and sisters among you.” Ang bahagi ng pahayag ni Marawi Bishop Edwin de la Peña.
Nagsimula ang Ramadan o ang isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim noong ika-13 ng Abril na inaasahan namang magtatapos sa ika-12 ng Mayo. Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.