520 total views
Kinilala ng Cooperative Development Authority ang himpilan ng Radio Veritas 846 sa isinagawang CDA Gawad Parangal 2022 Culminating Activity bilang tanda sa pagtatapos ng National Cooperative Month ngayong taon.
Kasama ang iba pang media partners ay iginawad ng ahensya ang pagkilala sa Radio Veritas dahil sa pagsusulong ng mga impormasyon at balitang tinutulungan ang sektor ng mga kooperatiba tungo sa nag-iisang hangarin ng pag unlad.
Binigyang parangal din ng CDA ang programang at ang programang Buhay Kooperatiba sa Radio Veritas.
Bukod sa mga media outlet, pinarangalan din ng CDA ang limang(5) mag- aaral na mula sa polytechnic University of the Philippines, 34-na mga Governors at Mayors sa ibat-ibang lalawigan at sampung kinatawan ng magkakaibang ahensya.
Lima naman mula sa pitong mga kooperatibang pinarangalan ay pawang mga church based cooperatives.
Sa pagtatapos ng buwan ng paggunita, tiniyak ni CDA Chairman Joseph Encabo na magpapatuloy ang mga programa ng ahensya na layuning paunlarin ang sektor ng mga kooperatiba sa buong bansa.
“I believe the spirit and the strength of CDA is being drawned by the cooperative sector itself and the strength of the cooperative sectors comes from the members and the strength of the members is because of the belief and trust that the cooperative can walk with them an extra mile.” ayon sa pahayag ni Chairman Encabo.
Nabatid na umaabot na sa mahigit 19-libo ang mga kooperatiba sa buong bansa na mayroong 11.9-milyong miyembro.
Kaugnay nito, una ng naging mensahe ni Father Anton Ct Pascual Chairperson ng United Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) at Board Member Chairman ng Union of Catholic Church-based Cooperatives (UCC) sa paggunita ng World Day of Cooperatives na nagsisilbing daan para sa mga miyembro upang makaahon mula sa kahirapan ang mga kooperatiba sa Pilipinas.