218 total views
Patuloy na nagpapasalamat ang Radyo Veritas sa lahat ng sumusuporta sa Veritas500 program para manatili sa himpapawid ang himpilan.
Ayon kay Rev. Fr. Anton C.T. Pascual, Pangulo ng Radio Veritas, malaking suporta ito sa paghahanda ng himpilan sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.
Ginagamit aniya ang mga donasyon sa pagkilos ng radyo para palakasin ang pananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng Ebanghelisasyon na nagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos.
Pahayag pa ni Fr. Pascual, sa pagpapalakas kinakailangang ang paggamit ng multimedia (print, radio, TV and social media) at dito napupunta ang donasyon.
Hinimok rin ng pari ang mga mananampalataya na maari rin namang magbigay ng lampas sa P500 sa loob ng isang taon.
Ayon kay Fr. Pascual, sa pagbahagi ng P500 o higit pa kada taon, malaki ang maitutulong nito sa krusada na ipalaganap ang Mabuting Balita.
“Nagpapasalamat tayo sa mga nagpe-pledge sa Veritas 500 para manatili tayo sa ere dahil may sumusuportang mga kapanalig bilang paghahanda na rin sa 500 taon ng Kristiyanismo sa 2021. Nais nating palakasin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng evangelization ng pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa paggamit ng multi media, kasi ito ang malakas na impluwensiya sa kaisipan at aksyon ng tao.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.
Una ng inilunsad ng himpilan ang “Veritas 500 Telethon 2016” na may temang “Bringing Jesus to every Catholic home” na layuning humingi ng suporta sa bawat mananampalataya kung saan ang malilikom ay para tulungan na rin ang himpilan na palakasin ang social communications ministry ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.
http://www.veritas846.ph/veritas-500-campaign-pagpapaigting-ng-pananampalatayang-kristiyano/