181 total views
Nanawagan si Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission sa bawat mamamayan na makiisa sa muling pagtataas ng pamantayan at sistema ng politika sa bansa mula sa pangangampanya ng mga kandidato para sa papalapit na halalan.
Paliwanag ng Obispo, hindi nakatutulong ang patuloy na pagpapasaring at pag-aaway ng mga kandidato na nagdudulot lamang aniya sa kawalan ng karangalan at dignidad ng mga ito sa harap ng publiko.
“As usual in the Philippines dirty politics they are still (pocure to more people) they quarrel with each other, they call names. Parang it’s not very noble, we should raise the standards of political campaigns so parang for me our political exercise is not the best of all it is quite disappointing so I’m just hoping that our Filipino people become more mature in this political exercise..”pahayag ni Bishop Arturo Bastes sa Radio Veritas
Bukod dito, nagpahayag din ng pagkadismaya ang Obispo at nanawagan sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng kandidatong ihahalalal partikular na sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
batay sa Commission on Election Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.