405 total views
Manila – August 26, 2020 Nilinaw ng pamunuan ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) na hindi ito nakikisangkot sa pamamalakad ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) kundi registered owner lamang ng kinatatayuan ng naturang ospital.
Sa pahayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sinabi nitong ang Hospital Managers, Inc. ang nangangasiwa sa operasyon ng CSMC mula pa noong Agosto 1988.
Ito ang tugon ng RCAM sa pahayag ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta kung saan isinasangkot ang RCAM sa katiwaliang nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa pagitan ng CSMC noong 2011.
Nag-ugat ang kaso sa nawawalang 170 milyong piso makaraang 70 milyong piso lamang ang ibinayad mula sa 240 milyong pisong overpayment sa CSMC.
Dahil dito irerekomenda ni Marcoleta na kasuhan dating opisyal ng Philhealth at maging ang mga opisyal ng CSMC kabilang na ang RCAM.
Iginiit ni Bishop Pabillo na walang kinalaman ang RCAM sa pamumuno sa ospital at hindi ito sangkot sa anumang transaksyon sa Philhealth.
RCAM statement