Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Red-tagging kay Bishop Alminaza kinundena ng Living Laudato Si

SHARE THE TRUTH

 3,507 total views

Kinundina ng Living Laudato Si’ Philippines ang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamamagitan ng istasyon ng SMNI.

Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag ay pinuna ng organisasyon ang maling paratang at pag-uugnay kay Bishop Alminaza na nagsusulong ng ideyolohiya ng mga komunistang grupo sa bansa matapos manawagan ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ang Obispo sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon sa LLS Philippines, ang patuloy na ginagawang red-tagging ng NTF-ELCAC lalo na sa mga indibidwal na may dalisay na intensyon at pagnanais na isulong ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“Living Laudato Si’ Philippines condemns the malicious and outright red-tagging of NTF-ELCAC agains Bishop Gerardo “Gerry” Alminaza of the Roman Catholic Diocese of San Carlos. NTF-ELCAC twisted the calls of Bishop Alminaza for peace and resumption of peace talks saying that this is a “mouthpiece” of the CPP-NDA-NDF. This is not the first time NTF-ELCAC issued such dangerous claims against leaders who want people-centered development and genuine change for all – humanity and ecology alike… Continued red-tagging of the NTF-ELCAC proves nothing but political shortsightedness and apathy to human-beings.”pahayag ng Living Laudato Si’ Philippines.

Ipinaliwanag ng organisasyon na walang masamang intensyon si Bishop Alminaza sa panawagang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan at kalayaan lalo na ng mga matatandang political prisoners.

“As lay people of the church, LLS Philippines sees no threat or danger to Bishop Alminaza’s calls for peace and freedom of political prisoners, especially those who are elderly. This will intensify the peace negotiations between the armed revolutionaries and the Philippine government, putting a stop to a long, bloody revolt toward freedom.” Dagdag pa ng Living Laudato Si’ Philippines.

Tiniyak ng Living Laudato Si’ Philippines kay Bishop Alminaza ang suporata ng organisasyon sa kanyang mga adbokasiya at misyon.
Binigyang diin ng Living Laudato Si’ Philippines na kailangang mapanagot ang NTF-ELCAC kaugnay sa patuloy nitong ginagawang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at red-tagging sa iba’t ibang indibidwal, mga kritiko ng pamahalaan at maging mga opisyal ng Simbahan na nagsusulong ng katarungan, katotohanan at kaayusan sa lipunan.

“We join the call of Bishop Gerry Alminaza for continued peace talks and the release of all political prisoners in pursuit of just and lasting peace that will lead to a systemic change in the country. NTF-ELCAC should be held accountable to falsifying statements such as this and for outright red-tagging of church people who fight for justice, truth, mercy and compassion. We must hold the line. There is no environmental justice without human rights!” Ayon sa Living Laudato Si’ Philippines.

Si Bishop Alminaza na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace ay kilala sa kanyang aktibong mga adbokasiya at paninindigan kaugnay sa iba’t ibang mga usaping panlipunan partikular na sa pangangalaga ng kalikasan, pagkamit ng ganap na kapayapaan at paglaban sa kawalan ng katarungan sa lipunan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 66,982 total views

 66,982 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 74,757 total views

 74,757 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 82,937 total views

 82,937 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 98,596 total views

 98,596 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 102,539 total views

 102,539 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,647 total views

 22,647 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,316 total views

 23,316 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top