327 total views
Naniniwala ang isang ekonomista na hadlang sa mabilis paglago ng foreign investments sa bansa ang mahigpit na pamantayan na itinakda ng gobyenro para rito.
Ayon kay University of Asia and the Pacific Professor Emeritus Bernardo Villegas, mas magiging progresibo ang pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas kung luluwagan lamang ng pamahalaan ang limitasyon sa pagtanggap ng mga foreign investors na nagnanais mamuhunan sa bansa.
“There is an increase yet compare to our neighbors, ours is the lowest. That’s an evidence why foreign investors don’t seem welcome in the Philippines yet because we have so many restrictions against them,” pahayag ni Villegas sa Radyo Veritas.
Bukod dito, sinabi pa ni Villegas na malaki rin ang maitutulong ng pag-amyenda sa ilang bahagi ng konstitsyon partikular na sa ‘too restrictive foreign investments policies’.
Kaugnay nito, una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo duterte ang National Economic Development Authority na gumawa ng mga hakbang upang mas mapadali ang mga prosesong kailangan para sa foreign investments na pangunahin tutulong upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
Pasok rin sa memorandum na ibinababa ng pangulo ang mga sektor ng labor recruitment, public services, produksyon ng bigas at mais, milling, processing, trading, pagtuturo sa mas mataas na antas gayundin ang retail at domestic market enterprises.
Samantala sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa 61.8 porsiyento ang foreign direct investments (FDIs) noong Setyembre 2017 o katumbas ng 754-milyong dolyar, mas malaki 288-milyon kung ikukumpara sa 466-milyong dolyar na perang pumasok sa bansa sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa katuruang panlipunan ng simabahang Katolika, mahalagang isa-alang alang ang pag-unald ng buhay ng mas nakakarami sa anumang programa na gagawin ng pamahalaan gayundin ang hindi pagkait ng estado sa kanilang mga karapatan.