506 total views
Mariing tinututulan ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos ang rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ito ay matapos lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No.164 noong February 28 na pinahihintulutan ang paggamit at pag-aaral ng Nuclear Energy bilang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya at paraan upang makabangon ang naluging Ekonomiya sa bansa kung saan isa ang BNPP.
Ayon sa Obispo, tanging panganib lamang ang idudulot ng BNPP sa mga naninirahang mamamayan sa bataan higit na dahil sa pagtatayo nito sa ibabaw ng Bulkan ng Mount Mariveles.
“They know very well the real situation and condition of BNPP, it is sitting on dormant volcano, our future, or our future on energy is not on BNPP. It is danger and destruction. Thanks and take care,” ayon sa Mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.
Ito ang paninidigan ng Obispo sa kabila ng kakulangan ng pakikipagdiyalogo ng pamahalaan at pagtalakay ng mga kumakandidato ngayong panahon ng halalan sa usapin.
“It is dead issue here. No one is talking about its rehabilitation nor any political candidate here campaigns for opening/study of Bataan nuclear power plant,” Ani Bishop Santos.
“It will never produce added electricity and the cost of rehabilitation will only be ways and means for graft and corruption as its construction is founded on greed,” pagdadagdag pa ni Bishop Santos nang dahil sa pangambang mauwi sa katiwalian ang gagamiting pondo sa rehabilitasyon.
Magugunitang kaakibat ng pagpapatayo ng Administrasyon Marcos sa Bataan Nuclear Power Plant ay ang paratang ng korapsyon dahil mula sa naunang 500-Million Pesos na inilaang budget ay umabot sa 2.2-Billion Pesos ang kabuoang halaga sa pagpapatayo ng planta.
Paninindigan din ni Bishop Santos na kaisa ng Diyosesis ang Lokal na Pamahalaan sa Bataan sa pagtutol laban sa rehabilitasyon ng BNPP.
“The provincial government and the Diocese are one, united against rehabilitation of BNPP. The voice of our people is strongly, openly NO,” ayon pa sa Obispo.