366 total views
Ito ang hamon ng Sangguniang Layko ng Pilipinas (SLP) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nitong ‘God is Stupid.’
Ayon sa pahayag ng SLP, bilang mamamayan ng bansa may karapatan ang bawat isa na ipagtanggol ang kanilang pananampalataya.
Nanawagan ang ang grupo sa Pangulo na maantig at magsisi sa kaniyang paglapastangan sa pangalan ng Panginoon.
“He should repent and relent. The President should be man enough to accept that these are wrongdoings and should be mature enough to accept to stop his tantrums,” ayon sa pahayag.
Hinihiyat din ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mga mananampalataya na ipahayag ang kanilang pagtutol sa ginagawang paglapastangan ng pangulo sa ating pananampalataya.
“With this statement, the Laiko calls on all our lay faithful to express their indignation in a truly Christian and civil manner, through all possible means and channels,” bahagi pa ng pahayag.
Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ay binubuo ng higit sa 50 member organizations ng simbahan sa buong bansa.
See Full Statement