1,752 total views
Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mananampalataya na makiisa sa panalangin sa pagdalaw ng relic ni St. Therese of the Child Jesus sa himpilan.
Ayon kay Religious Department head Renee Jose, isang magandang pagkakataon ang pagdalaw ng relikya na makatutulong sa paglago ng pananampalataya ng mamamayan.
“The visit of St. Therese is an opportune time to reflect and strengthen our faith in God through her examples. We invite you to pray with us and be one of our spiritual front liners,” pahayag ni Jose sa Radio Veritas.
Sa ika-26 ng Abril, bibisita sa himpilan ang relikya bilang bahagi ng 5th visit pilgrimage ni St. Therese sa bansa na nagsimula noong January 2, 2023.
Bagamat tatanggap ng mga deboto ang Veritas Chapel ay nililimitahan lamang ito sa 50 katao para mapanatili ang sapat na daloy ng hangin bilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Darating sa himpilan ang relikya sa alas singko y media ng hapon na pangungunahan ni Fr. Bong Bongayan, SVD ang pagtanggap na susundan ng Banal na Misa sa alas sais ng hapon kung saan si Fire Senior Inspector Fr. Raymond Tapia, National Spokesperson ng 5th visit ni St. Therese ang main celebrant.
Paanyaya ni Jose sa mga Kapanalig na nais makibahagi sa pagdiriwang na makipag-ugnayan sa 8925-7931 local 129 at 131 o mag-text sa 0917 631 4589 para sa mass intentions at love offerings.
Ito na ang huling bahagi ng pilgrimage ni St. Therese na magtatapos sa April 30 kasabay ng kanyang beatification centennial anniversary.