317 total views
May 16, 2020, 11:32AM
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagsasagawa ng religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enchanced community quarantine MECQ at general community quarantine o GCQ.
Sa araw na ito ika-16 hanggang ika-31 ng Mayo, ang Metro Manila, Laguna, Bataan,Bulacan,Nueva Ecija, Pampanga,Zambales at Angeles city ay isinailalim sa MECQ.
Kapaloob sa inilabas na omnibus guidelines sa implementasyon ng community quarantine sa bansa noong ika-15 ng Mayo, 2020, pinayagan ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ ngunit limitado lamang ito sa 5-katao.
10-katao naman ang pinapayagang dumalo sa mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Mahigpit ding ipapatupad sa mga religious gatherings ang minimum health standards.