336 total views
Nagpaabot ng panalangin ang John Paul II Foundation sa Roma para sa kapanatagan at kaligtasan ng mga Filipino sa epekto ng pagligalig ng bulkang Taal.
Labis ang pag-alala ni Fr. Krzystof Wieliczko, OSSPE, Ph.D, Executive Director ng institusyon sa kalagayan ng mga apektadong residente lalo’t malawak ang epekto ng ash fall mula sa bulkan.
Ngayong araw, mag-aalay ng banal na Eukaristiya si Fr. Wieliczko sa himlayan ni Saint John Paul II sa Vatican upang hingin ang tulong panalangin sa Diyos Ama para sa kaligtasan ng Pilipinas mula sa mga natural na kalamidad.
“On Tuesday, January 14, 2020, Rev. Fr. Krzystof Wieliczko, shall offer a Mass before the tomb of Saint John Paul II in the Vatican to earnestly seek as intercession of this Saint for the Philippines and make the country safe. Invoking the special protection of our Lord, Jesus Christ, Fr. Krzystof’s prayer is directed at volcanoes to stop from further eruptions and spare the Filipino people from danger and harm,” bahagi ng pahayag ng John Paul II Foundation.
Kasalukuyan pa ring itinaas ng Philvocs sa alert level 4 ang sitwasyon ng bulkan o mapanganib sa malubhang pagsabog kapag nagpapatuloy ang aktibidad ng bulkan.
Patuloy din ang panawagan ng Archdiocese of Lipa nang panalangin para sa kaligtasan habang umapela rin ng tulong si Archbishop Gilbert Garcera para sa pangunahing pangangailangan ng mga lumikas na residente.
Ibinahagi rin ng institusyon ang panalangin ni Saint John Paul II noong sumabog ang bulkan sa Armero, Colombia noong 1985 na ikinasawi ng mahigit 20-libong indibidwal.
“Father, rich in mercy, ease the pain of so many families, dry the tears of so many brothers. Through the solidarity of work and constancy of the people of this land, let rise up as from the ashes a new city of your children and brothers, where fraternity reigns, families are renewed, tables are replete with bread and the fields and hearths are filled with song.”- SJP II.
Sa huli tiniyak ni Fr. Krzystof na ptuloy itong kaisa ng mga Filipino sa pananalangin para sa kaligtasan sa kabila ng hinaharap na pagsubok bunsod ng kalamidad na dulot ng bulkang Taal.
Nakiisa rin sa panalangin ang John Paul II Foundation– Philippines sa pangunguna ni Atty. Marwil Llasos, ang chairman ng institusyon para sa mga biktima ng pagligalig ng bulkang Taal lalo na ang mga mamamayan sa Batangas at karatig lalawigan.