216 total views
Balikan ang pagmamahal ng Panginoon na siyang pinanggalingan ng bokasyon.
Ito ang hamon at mungkahi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Caccia sa mga pari at consecrated persons ang taong ipinagdiriwang ng simbahang katolika sa Pilipinas.
Sa kanyang homiliya sa misa sa pagsalubong sa pilgim relic ni St. Therese of the Child Jesus na ginanap sa National Shrine of the Child Jesus sa Pasay City, sinabi ng kinatawan ng Santo Papa sa bansa na ito ay isang pagkakataon na muling magnilay sa misyon at bokasyong paglilingkod ng bawat isa.
“How many of you present here have more than twenty four years of age? I would have ask how many of you are less than twenty four? Why I asked this question, not because I’m curious but because St. Therese died at the age of 24 of age. How it happened she became a Saint. She spent just 24 years of her life and we who are older, we can ask ourselves…What I’m doing of my life? If I die, they remember me as a Saint, somebody who did well? Who has a goal in his life or not?
Aniya si St. Therese ay nabuhay lamang ng 24 na taon, subalit naging isang banal sa loob na maigsing panahon niya sa lupa.
Hindi rin niya hangad ang pagiging tanyag subalit kinilala si St. Therese sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa kaniyang pagiging payak at paggagawa ng maliliit na kabutihan sa kapwa at sa anumang bagay na kaniyang ginagawa.
“I do not have to be big but I have to be little. If I am little, it is easier for Jesus to bring me up. If I am big, it’s more difficult for Him to bring me up. What does it mean? That we all have to be humble like little children as Jesus said, if you don’t become as a children you don’t enter the kingdom. Putting all our trust not in our capacity, but in the love of God. This is a little way that goes very far,” ayon pa kay Archbishop Caccia.
Dagdag pa ni Archbishop Caccia; ”Let us all take this opportunity to renew our faith in the love of Jesus. To ask through the intercession of Little Teresa of the Child Jesus to be renewed in our faith, in our love to God and to all the others.”
Unang dumating sa bansa ang relikya ni St. Therese noong taong 2000, 2008 na siya ring taon ng pagtatayo ng kanyang dambana dito sa Pilipinas at taong 2013.
Sa edad na 15 taong gulang pumasok si Si St. Therese sa Carmelite Monastery kung saan ginugol niya ang kaniyang buhay sa pagpapakabanal at gawin ang mga lahat ng mga bagay ng may pagmamahal.
Siya ay pumanaw sa edad na 24 dahil sa sakit na tuberculosis at idineklarang Santo ng simbahan taong 1925, makaraan ang 100 taon ng kanyang pagkamatay kinilala rin siya bilang ikatlong babaeng doctor ng simbahan.
Ang relikya ni St. Therese ay inaasahang lilibot sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, kabilang na dito sa may 40 diyosesis at ikaapat na pagdalaw sa bansa na inaasahan ding magiging daan para sa paghikayat ng bagong bokasyon sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 10,000 mga pari at higit sa 18 libong consecrated persons ayon sa tala ng Catholic directory of the Philippines.
Dumalo rin sa pagdiriwang sina Archbishop Emeritus Ramon Arguelles, Military Ordinariate administrator Bishop Oscar Florencio at rector ng Shrine of St. Therese of Lisieux, France Fr. Jean Claude Ruffray.