3,457 total views
March 2, 2020 1:01PM
Pinabulaanan ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na mas mahal ang paggamit ng renewable energy sources kumpara sa mga fossil fuel na siya ring nakasisira sa ating kalikasanan.
Ayon sa Obispo, salungat ito sa paniniwala ng ilan na mas mapapamahal ang paggamit ng mga renewable energy sources katulad ng wind at solar power.
Binahagi rin ng Obispo na ang Diyosesis ng San Carlos ay mahigit 20 taon nang coal-free dahil na rin sa pagsusulong ng probinsya sa malinis na enerhiya.
“Sabi nila palagi kasi, mahal pa ang renewable at cheap pa ang coal. Mali na ‘yun. Outdated na ‘yun. I tell you, galing ako ng Archdiocese of Jaro, dati ‘yun ang promise ng mga nagpu-put up ng coal sa Iloilo; mura ang kurynte sa Iloilo. Sila pa rin ang pinakamahal hanggang ngayon. The promise was not fulfilled” ito ang pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas
Sa pag-aaral ng Department of Energy, ang Pilipinas ang may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong Southeast Asia.
Sa ulat naman ng Energy Economics and Financial Analysis (IEEFA), maaring bumaba sa 30% ang singil sa kuryente kung gagamit ang bansa ng renewable energy sources.
Una nang iminungkahi ni Pope Francis, sa kanyang Encyclical na Laudato Si ang pagpapalawak ng pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasa