185 total views
Isinasagawa na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang restoration o pagpapanumbalik ng mga serbisyo sa lalawigan ng Batanes matapos itong salantain ng Bagyong Ferdie.
Ayon kay Mina Marasigan, tagapagsalita ng NDRRMC, nagsasagawa din sila ng renovation sa mga nasirang mga bahay na umaabot sa 2,200.
Nasa P245 milyon naman ang halaga ng danyos na sinira ng bagyo sa mga ari-arian gaya ng agrikultra at imprastraktura sa Batanes habang wala namang naitalang nasawi.
Dagdag ni Marasigan, nakahanda na rin ang tanggapan para sa magiging epekto ng Bagyong Helen bagamat hindi ito kalakasan gaya ng Bagyong Ferdie.
“On going po ang ating restoration ng mga services maging pagrerestore and rehabilitate ng mga bahay na nasira ng bagyong Ferdie, nagbigay tayo ng mga materyales yung ibang activities tuloy-tuloy din para sa pagsisigurado sa kanilang paghahanda sa epekto naman ng bagyong Helen, walang reported fatalities, pero may mga minor injuries, sa damages, may ilang bahay 2,200 na bahay ang nasira ni Ferdie, yung mga nasirang government establishment at assets sa agrikultura at imprastraktura umaabot P245 milyon, Kasabay sa relief operations, yung supply ng pagkain sapat naman nag preposition din tayo ng mga generator sets, para sa supply ng tubig at kuryente, may medical team din na naka-preposition, ongoing ng pagbibigay ayuda sa Batanes,” pahayag ni Marasigan sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa tuwing may kalamidad, kaagapay ng pamahalaan ang Simbahang Katolika at iba’t-ibang institiusyon para tulungang makabangon ang mga naapektuhan.