Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 234 total views

Mga Kapanalig, noong 2019, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Universal Health Care Bill upang maging ganap na batas. Inasahan itong magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa. Layunin ng batas na ito na palakasin ang mga serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan at padaliin ang pag-access ng mga Pilipino sa mga ito sa pamamagitan ng automatic membership ng lahat sa PhilHealth. Ang PhilHealth ang pangunahing ahensyang nagpapatupad ng National Health Insurance Program na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga Pilipinong nangangailangang maospital o may mga gamot at procedures na kailangang matanggap dahil sa kanilang kalagayang pangkalusugan. Ang mga miyembro ay nag-aambag sa pondong pinaiikot at ginagamit bilang subsidiya, at ngayong lahat ng Pilipino ay miyembro na ng Philhealth, kailangang tiyakin ng pamahalaang may sapat na pondo ang ahensya.

Ngunit nitong mga nakalipas na taon, tila hindi tinatantanan ng kontrobersya ang PhilHealth. Pinakamatindi nga sa mga ito ang di-umano’y nawawalang 15 bilyong piso, na ayon sa isang whistleblower ay ibinulsa ng mafia sa loob ng ahensya. Agosto ng taong 2020 nang lumutang ang whistleblower na inakusahan ang mga opisyal ng PhilHealth ng pagnanakaw. Nagkaroon ng serye ng mga pagdinig sa Senado hanggang umabot sa pagbibitiw ng presidente at ilang senior officials ng PhilHealth. Noong nakaraang taon, naglabas ang ahensya ng liquidation report upang patunayang hindi nawala ang pondo nito. Paliwanag ng PhilHealth, ang pera ay ibinigay bilang ayuda sa mahigit 700 ospital sa bansa upang manatili silang bukás upang tumanggap ng mga pasyenteng nangangailangan ng gamutan sa gitna ng pandemya. Hindi ito kinagat ng marami lalo na’t sinabi ng whistleblower na nagsimula ang pagkawala ng pondo bago pa man magkaroon ng pandemya.

Ang pinakabagong hamong kinakaharap ng PhilHealth ay ang planong “PhilHealth holiday” ng mga pribadong ospital na kasapi ng Private Hospitals Association Philippines (o PHAPI). Inudyukan ng asosasyon ang mga kasapi nitong huwag tumanggap ng PhilHealth deductions para sa mga serbisyong ibibigay nila sa mga pasyente sa unang limang araw ng buwang ito. Ngunit sinuspinde ng PHAPI ang planong nito matapos daw makiusap ang iba’t ibang grupo na bigyan muna sila ng maayos na impormasyon tungkol sa PhilHealth holiday. Bago nito, nag-anunsyo ang pitong ospital sa lungsod ng Iloilo na kakalas na ang mga ito sa PhilHealth dahil sa unpaid claims mula sa ahensya. Aabot sa 895 milyong piso ang utang sa kanila ng PhilHealth.

Ang mga isyung bumabalot sa PhilHealth ay banta sa ating kalusugan na, ayon nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ay karapatang dapat matamo ng lahat. Karapatan nating mabuhay, at kaakibat nito ang karapatan natin sa malusog na pangangatawan. Makakamit natin ito kung ang pamahalaang may pangunahing tungkuling gawing sapat ang mga serbisyong panlipunan—katulad ng universal health care—ay matutulungan tayo sa mga panahong kailangan nating magpagamot o tumanggap ng atensyong medikal.

Dahil malaki ang papel ng PhilHealth sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act, dapat na pangasiwaan ito ng mga taong may akmang kaalaman at kakayanan sa masinop na pangangalaga ng pondo. Dapat na pinatatakbo ito ng mga mahuhusay at tapat na propesyunal upang magbalik ang tiwala ng mga kasangga nito sa paghahatid na maayos na serbisyong pangkalusugan katulad ng mga ospital. Dapat itong maging bukás sa pagbusisi ng publiko upang makaasa tayong may tulong tayong matatanggap sa oras ng ating pangangailangan.

Mga Kapanalig, ang ating kalusugan ay isang biyayang dapat nating pakaingatan. Wika nga sa 1 Corinto 6:19, ang ating katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa atin at ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Tungkulin ng gobyernong tulungan tayong pahalagahan ang biyayang ito, kaya’t panahon nang magkaroon ng reporma sa PhilHealth.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 40,150 total views

 40,150 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 51,225 total views

 51,225 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 57,558 total views

 57,558 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 62,172 total views

 62,172 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 63,733 total views

 63,733 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 40,151 total views

 40,151 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 51,226 total views

 51,226 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 57,559 total views

 57,559 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 62,173 total views

 62,173 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 63,734 total views

 63,734 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,650 total views

 43,650 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,312 total views

 66,312 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,888 total views

 71,888 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,369 total views

 77,369 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,482 total views

 88,482 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,481 total views

 84,481 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,183 total views

 72,183 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,665 total views

 80,665 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,724 total views

 73,724 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,648 total views

 80,648 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top