22,922 total views
Tiniyak ng economic managers ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagsusulong ng kahalagahan ng ‘Research and Development’ upang mapaunlad ang ekonomiya.
Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) ito ay dahil sa pamamagitan ng mga pag-aaral ay napapatibay ang ‘innovation’ upang nagkakaroon ng mga programa at inisyatibo na makakasabay ang ekonomiya sa mga pagbabago ng panahon.
“I remember an analogy I heard before…’When you do innovation, it’s like playing scrabble’. You only have so many blocks or letters to make a word, and those blocks of letters are your R&D outputs. So, if you have more of these ‘blocks’ of R&D, you can make more words — you can innovate more,” ayon sa mensahe ni NEDA Undersecretary for Policy and Planning Group Rosamarie Edillon na ipinadala ng ahensya sa Radio Veritas.
Sinabi ni Edillon na upang masuportahan naman ang inisyatibo ay isusulong ng NEDA ang pagpaparami ng mga scholarships program sa kabataan.
“Many would say ‘nagawa na ‘yan eh’ [someone has already done it] but the problem is no one knows about [it]. So, what’s important right now is having a good knowledge management system for R&D outputs and having platforms that tell innovators where they can find the outputs they need to innovate,” ayon pa sa mensahe ni Edillon.
Noong 2022 ay hinimok ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang mga dalubhasa sa buong mundo higit na ang mga propesyunal sa agham na gamitin ang mga pag-aaral o pagsasaliksik upang mapabuti ang lagay ng mundo o kalikasan upang mapangalagaan ang nag-iisang tahanan ng sangkatauhan.