28,565 total views
Pinatibay ng Coast Guard Chaplains ng Pilipinas at United States of America ang pagtutulungan upang higit na mapangalagaan ang kanilang mga uniformed personnel.
Pinanag ang pagtutulungan sa limang-araw na pagbisita ng US Coast Guard sa Pilipinas upang mapalawig ang pananampalataya, stress management at mental health awareness sa mga kawani ng Philippine Coast Guard.
Sa kanyang 5-day visit, kinilala ni USCG Chief Chaplain Captain Fr.Daniel Mode ang resiliency at matatag na pananampalataya ng mga Pilipino sa pagharap sa anumang uri ng pagsubok.
Sinabi ni Fr.Mode na ang pagiging resilient at matibay na pananampalataya ng Philippine Coast Guard ay kanyang ibabahagi sa mga kawani ng US Coast Guard.
Ayon kay Fr.Mode, malaking tulong ang aral ng resiliency sa pagpapatibay ng mental health ng kanilang coast guard at pagtugon sa stress management.
“One is that you are naturally resilient, it’s amazing no matter what happens you are resilient, and number two your faith, the faith that leads you to God but also that faith that connects you to your family, your friends, it’s very encouraging for me and it gives me really a lot of hope and I want to take that message back to our United States Coast guard, the message of resiliency and that spiritual readiness or faith that is so important,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Mode.
Kasabay ng kagalakan at pagpapasalamat na ipanarating ni PCG Chief Chaplain Commodore Reverend Father Louie Palines sa USCG ang katiyakan sa higit pang pagpapatibay sa mental health programs ng mga uniformed at civilian personnel.
Tiniyak ni Fr. Palines na patuloy na ipapadama sa hanay na nakahanda ang simbahan para gabayan ang PCG.
“It has been observe sa aming hanay at hindi lamang sa atin kungdi sa kanila ding hanay, sa kanilang mga coast guardians na ang experiences ay hindi nagkakalayo, lalong-lalo na sa mental health awareness, stress management, and this time we have included the spiritual management or pamamaraan na kung saan makakatulong sa kanilang kalagayan we know that maybe hard to accept but our young this days are really much affected, they easily are discouraged by the things that are happening around them, just to let them know that we are here to listen to them, to be there for them and to help each other,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Palines.
Ito ang mensahe USCG at PCG chaplain sa misang idinaos sa National Shrine of Saint Therese Child Jesus sa Pasay City bilang paggunita sa kapistahan ni Apostol San Andres.
Sa pag-iikot sa ibat-ibang kampo ng Coast Guard ay nakipag-diyalogo si Father Mode sa mga opisyal, uniformmed personnel at iba pang chaplains upang makipagtulungan sa mga adbokasiya ng pagpapatibay sa pananampalataya, stress management at at mental health awareness.
Sa datos ng Department of Health, noong October 2023 ay umaabot na sa 3.6-million ang bilang ng mga Pilipinong may suliranin sa kanilang mental health.
Habang sa pinagsama-samang datos ng Center for Disease Control, National Alliance on Mental Illness at John Hopkins Medicine sa Amerika, aabot sa 26% sa populasyon ng mga 18-taong gulang pataas na Amerikano ang nakakaranas ng ibat-ibang uri ng mental health illness.