52,196 total views
Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon.
Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng sistema ng edukasyon na magpatuloy at mag-adapt kahit pa maraming mga pagsubok na pumapalibot dito. Nangangailangan ito ng mga hakbang o measures, pati na rin equipment at imprastraktura upang epektibong maisakatuparan. Nakatutok din ito sa kalidad. Kailangan makapagbigay ang sektor ng de kalidad na edukasyon upang ang potensyal at oportunidad ng mga bata para sa mas magandang hinaharap ay hindi mako-kompromiso.
Isa sa mga halimbawa ng resilience sa education ay ang kagalingan ng mga paaralan na maging flexible sa modality ng education provision. Halimbawa, kapag tinatawag ng panahon na maging online muna ang mode of teaching, madaling makaka-shift ang mga paaralan at mga bata sa ganitong set-up. Pag kailangan naman nasa classroom ang mga bata, madali din silang makakabalik at makaka-adjust.
Ngayon ngang tag-init, maraming paaralan ang nag-sususpinde ng klase dahil sa matinding init. Sa ganitong panahon, maaaring mag-shift online ang mga klase ng mga bata, o di kaya magshift sa modules. Ang mga bata ay makapag-patuloy pa rin ng pag-aaral sa paraang akma sa panahon at pangangailangan.
Kaya lamang kapanalig, mahirap maging resilient ang sector kung kulang sa imprastraktura at kagamitan. Ayon nga sa senado noong nakaraang taon lamang, 1.8% lamang ng public schools sa bayan ang may free access sa public wifi. Maraming rural areas sa ating bayan, mahina pa ang internet connection kaya’t challenging ang online learning. Kung modules naman ang gagawing paraan, maraming mga rural na paaralan ang hirap makapag-provide nito dahil sa kakulangan sa equipment at budget.
Dito kailangan ng tulong ng mga ating paaralan, lalo na ang mga nasa malalayong lugar. Ang resilient na edukasyon ay dapat maging matibay at flexible para sa lahat, hindi lamang para sa iilan. Paalala ng Catechism of the Catholic World, ang impormasyon mula sa media, sa panahon natin ngayon ay internet at teknolohiya naman, ay dapat para sa serbisyo ng common good o kabutihan ng lahat. Wala dapat naiiwan ni isa sa atin. Ang lahat ng mamamayan ay may karapatan sa resilient education, at ang pagtiyak sa access para dito ay tungkulin nating lahat.
Sumainyo ang Katotohanan.