Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Responsableng paggamit ng social media

SHARE THE TRUTH

 1,438 total views

Mga Kapanalig, sa bilis ng daloy ng balita at impormasyon ngayon sa internet at social media, nagagawa pa ba nating alamin kung saan galing ang mga ito?

Noong 2016, tinatayang mahigit 54 milyong Pilipino (o kalahati ng ating populasyon) ang gumagamit ng internet. Ang paggamit ng social media, katulad ng Facebook, ang sinasabing pangunahing ginagawa ng mga may access sa internet, sa computer man o sa kanilang smartphone. Sa katunayan, tayong mga Pilipino raw ang pinakababád sa Facebook: ang isang karaniwang Pilipinong may access sa internet ay nakauubos ng halos apat na oras sa Facebook sa loob lamang ng isang araw!

Hindi na nga maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang papel nito sa pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon. Isang patunay ng impluwensya ng social media ang naging gamit nito noong nakaraang eleksyon dito sa ating bansa at maging sa Amerika. Naging tulay ang Facebook at ibang social media platforms gaya ng Twitter sa pagpapalaganap ng mga impormasyong nais kumbinsihin ang mga tao na paniwalaan ang agenda, plataporma, at mga plano ng mga kandidato. Naging daan din ang mga ito sa pagpapalaganap ng mga balita at impormasyong walang malinaw at mapagkakatiwalaang batayan para lamang gawing propaganda ng ilang pulitiko. Tinagurian ang mga itong “fake news”, mga balitang gawa-gawa lamang at ipinakakalat sa internet ng mga tinatawag na trolls. Maliban sa panloloko sa mga tao, ang paglaganap ng “fake news” ay umabot sa paggamit ng masasakit na salita laban sa kapwa dahil na rin sa pagbabaluktot sa katotohanan. At kahit matagal nang tapos ang eleksyon, laganap pa rin ang fake news at patuloy ang mga trolls sa paninira sa mga kritiko ng kanilang kandidato at sa pagtatanggol rito. Bahagi na nga ang fake news sa paghubog ng opinion ng publiko.

Upang maiwasang lumalâ pa ang paglaganap ng mga pekeng impormasyon, may isang senador na nagpanukalang panagutin ang mga namumuno sa mga kumpanya ng mga social media platforms na hinahayaang kumalat ang mga fake news. Samantala, inihain naman ng isang senador na imbestigahan ang mga trolls na responsable sa pagpapalaganap ng mga mapanlinlang at mapanirang impormasyon.

Mga Kapanalig, may batas man o wala, tayo mismo ay makatutulong na ituwid ang mga maling impormasyon sa social media kung responsible ang paggamit natin ng mga ito. Bago tayo mag-share o mag-like ng nababasa natin sa Facebook, alamin muna natin kung saan nagmula ang mga ito. Kung hindi tayo mag-iingat, nagiging tulay tayo sa pagpapakalat ng kasinungalingan at hindi lamang tayo ang mapapahamak; madadamay din ang mga taong pinadalhan natin ng pekeng balita. Gaya ng mga itinuturo sa atin ng Catholic social teaching, ang paggamit ng media—kasama na ang social media—ay dapat na nakaugat sa layuning itaguyod ang kabutihan ng ating kapwa, ang kanilang halaga at dignidad. Hindi natin ito nagagawa kung pinapatulan nating lumaganap ang mga fake news at kung nakikisali tayo sa paninira sa iba, lalo na kung wala namang malinaw na basehan.

Mga Kapanalig, mahalaga ang tamang impormasyon sa pagpapalago at pagpapatibay ng demokrasya. Kung may impormasyon tayong hawak, nakakalahok tayo sa mga usaping hinaharap ng ating bayan. Kaya’t mahalagang sa harap ng maraming mapagkukunan natin ng impormasyon at ng iba’t ibang pananaw, nagagawa nating kilatisin ang mga batayan ng ating mga nababasa sa social media, nang sa gayon, ang tunay na katotohanan ang ating naibabahagi.

Ayon nga kay Pope Francis, hindi nakasalalay sa teknolohiya ang pagiging tunay o totoo ng ating komunikasyon, ng ating pakikipag-ugnayan sa iba. Tunay ang komunikasyong nagmumula sa ating mga puso at sa wastong paggamit natin sa mga kaparaanang mayroon tayo—kasama na nga rito ang social media.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 37,079 total views

 37,079 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 48,154 total views

 48,154 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,487 total views

 54,487 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 59,101 total views

 59,101 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,662 total views

 60,662 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 37,080 total views

 37,080 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 48,155 total views

 48,155 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 54,488 total views

 54,488 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 59,102 total views

 59,102 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 60,663 total views

 60,663 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,356 total views

 43,356 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,018 total views

 66,018 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,594 total views

 71,594 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,075 total views

 77,075 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,188 total views

 88,188 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,187 total views

 84,187 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,889 total views

 71,889 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,371 total views

 80,371 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,430 total views

 73,430 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,354 total views

 80,354 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top