400 total views
“Responsible parenthood ang pinaka-mabisang paraan ng pagpapamilya.”
Ito ang tinuran ni Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz kaugnay na rin ng usapin na nais isulong ng administrasyong Duterte na three-child policy.
Ayon kay archbishop Cruz, hindi nakukuha sa numero ang pagpapamilya kung saan kahit isa hanggang sampu kung kaya naman itong arugain at bigyang kinabukasan ng mga magulang hayaan ito.
Sinabi ng arsobispo, kahit iisa lamang ang anak kung hindi kayang bigyan ng kinabukasan ito ng magulang ay hindi na rin dapat nag-aanak.
“Responsible parenthood pa rin ang kailangan, hindi nakukuha sa numero yan, kahit isa anak mo kung di mo kayang pag-aralin o arugain di mo dapat anakin kahit isa lang, ke dalawa o lima basta kaya mo alagaan, procreation and upbringing, so hindi nakukuha sa dami o kakaunti kundi sa kakayahan ng magulang na magsilang at mag-aruga ng kanilang mga anak kahit ito ay isa o sampu, walang pakialam ang numero, kung kaya ng magulang ok lang,” pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.
Matatandaang sa China, binago nila ang kanilang one-child policy na sinimulang ipatupad noong 1978 at ginawa itong two-child policy noong October ng 2015 dahil na rin sa tumatandang populasyon at upang matugunan ang workforce ng bansa.