405 total views
Inanyayahan ni Father Benny Justiniano, Parish Priest ng Parokya ni San Jose Manggagawa sa Meycauayan Bulacan, ang mga mananampalataya para sa isang thanks giving dinner and benefit show.
Ayon sa Pari, Ito ay bilang bahagi ng kanyang ika-22 Sacerdotal Anniversary, at ika-10 Anibersaryo ng Parokya sa darating na ika-31 ng Hulyo.
Sinabi ni Father Justiniano na layunin ng pagtitipon na makapagbigay ng tulong sa Retirement Program ng mga Pari ng Diocese of Malolos.
“Please come, bilang pagtulong n’yo na rin sa amin dito sa aming Celebration ng Year of the Priests and Religious para sa aming mga retired Priests dito sa Diocese. Please come and be Blessed sa ating gagawing pagpupuri sa Panginoon.” Bahagi ng pahayag ni Father Justiniano sa Radyo Veritas.
Dagdag pa ni Father Justiniano bukod sa mga awitin at kasiyahan sa pagtitipon, ihahandog din ito sa pagpupuri sa Panginoon at pasasalamat sa mga Retiradong Pari na nagsilbing mga pastol sa Diyosesis ng Malolos.
“Hindi lang naman kantahan kundi yung Celebration ng service ng mga Pari sa Diocese at of course yung mga kanta don ay pagpupuri sa Panginoon mga inspirational songs na ating iaalay of course para sa kapurihan ng Panginoon at para sa mga Pari natin mga Pastol ng Panginoon na naglilingkod sa ating Diyosesis ng matagal.” Dagdag pa ng Pari.
Isa sa mga pangunahing magtatanghal sa pagtitipon si Brother Alvin Barcelona – isa sa mga Preachers ng the Feast at anchor ng Radyo Veritas sa programang “Gabay sa Bibliya sa Radyo.”
Ang Thanks giving dinner and Benefit Show na “Tu Es Sarcedos In Aeternum” ay isasagawa ngayong ika-27 ng Hulyo sa Meycauayan Convention Center, Bulacan.