14,442 total views
Tinanggap ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagbibitiw ni Bishop Emmanuel Trance bilang pinunong pastol ng Diocese of Catarman sa Northern Samar.
Ito ang inanunsyo ng Vatican nitong December 8 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.
Kasabay nito ay itinalaga ng santo papa si Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco bilang apostolic administrator sa diyosesis hanggang maitalaga ang kahaliling obispo ni Bishop Trance.
Si Bishop Trance na inordinahang pari ng Archdiocese of Jaro noong May 17, 1978 habang 2004 nang italagang Coadjutor Bishop ng Catarman at ginawaran ng episcopal ordination noong July 2004 sa pangunguna ni noo’y Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Antonio Franco.
March 2005 nang opisyal na pangasiwaan ang Catarman makaaraang magretiro sa paninilbihan ang namayapang si Bishop Angel Hobayan.
Samantala sa Bishop Buco naman ay itinalaga ni Pope Francis bilang katuwang na obispo ng Antipolo noong July 2018 at inordinahang obispo noong Setyembre ng kaparehong taon.
Sa kasalukuyan nasa walong diyosesis na ang sede vacante sa Pilipinas ang mga Diyosesis ng Alaminos, Baguio, Balanga, Gumaca, Ipil, San Pablo, Tarlac, at Catarman.