3,416 total views
Kinundena ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang naiulat na reward system ng Philippine National Police.
Nabahala si committee chairperson Senator Ronald Dela Rosa sa 30 percent sa mga nakumpiskang droga bilang reward sa informants at assets ng PNP dahil nakasisira ito sa integridad at imahe ng mga pulis.
Unang lumabas ang usaping panunumbalik ng tiwaling pulis at informants laban sa iligal na droga sa pagdinig ng mababang kapulungan sa pangunguna ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers.
“It seems that there are still some who fearlessly destroy the image and integrity of the PNP (Philippine National Police) and PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) to fight against illegal drugs,” ani Dela Rosa.
Mariing itinanggi ng mga opisyal ng PDEA at PNP ang alegasyon sa drug recycling sa halip ay sinabi ni PDEA Director General (DG) Virgilio Lazo ang monetary reward system sa informants.
Nanawagan naman si Senator Raffy Tulfo sa kinauukulang opisyal na buwagin ang reward system sa police assets dahil nakadadagdag ito sa korapsyon at paglaganap ng ipiagbabawal na gamot sa pamayanan.
“The problem with police assets and informants is that they themselves are also criminals. They themselves are at the heart of the syndicates. And we allow our law enforcers to do business with these criminals through reward system,” giit ni Tulfo.
2016 nang pinaigting ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga sa pamamagitan ng Oplan Tokhang ni pinamunuan ni Dela Rosa bilang hepe ng PNP.
Una nang nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa kampanya kontra droga ng pamahalaan subalit iginiit na dapat idaan sa wastong proseso nang naaayon sa batas.
Tiniyak ng CBCP prison ministry ang pagpapaigting sa mga programa sa loob ng piitan upang masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa mga person deprived of liberty sa halip ay palalakasin ang livelihood training na makatutulong sa kanilang pangangailangan habang nasa loob ng mga bilangguan sa bansa.