2,068 total views
Binigyang-diin ng Religious of the Good Shepherd, Philippines-Japan ang higit na pagpapaigting sa misyon na pagsusulong ng patas na katarungang panlipunan sa bansa.
Ito ang mensahe ng international congregation of religious women na kinabibilangan ni Sr. Elenita (Elen) Belardo, RGS – national director ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) matapos ibasura ang kasong perjury na inihain laban sa madre at siyam pang indibidwal na nagsusulong ng mga karapatan ng mga marginalized sector.
Ayon sa kongregasyon, paiigtingin ng RGS pakikinig, pakikilakbay at pagsisilbing boses ng maralita at mahinang sektor sa harap ng anumang banta at political repression.
“Moving onward, as a congregation, we re-affirm our commitment “to promote justice” and to “help bring about change in whatever condemns others to live a marginalized life.”(RGS Constitutions). In the spirit of synodality, along with fellow churchworkers and human rights defenders, we continue walking with and among the poor, listening to and including voices from the margins and holding our ground despite threats and political repression,” pahayag ng RGS- Philippines-Japan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kongregasyon sa lahat ng mga suporta at nanalangin para sa pananaig ng katarungan sa kasong perjury na inihain kay Sr. Elen Belardo, RGS na kumakatawan sa Rural Missionaries of the Philippines (RMP) at sa iba pang mga human rights defenders sa bansa.
Nagpahayag ng rin ng pagkilala at papuri ang kongregasyon sa matapang na paninindigan ng Madre laban sa pang-aapi sa marginalized sector na kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo.
Ibinahagi ng kongregasyon na ang pagbasura sa kasong perjury laban sa 10-human rights defender ay tagumpay ng mga marginalized sector sa bansa.
Paliwanag ng Religious of the Good Shepherd, Philippines-Japan, “The acquittal is not only a victory of those accused but of all “God’s little ones” for whom and with whom this struggle is being fought.”