637 total views
Layunin ni presidential aspirant Leodegario ‘Ka Leody’ de Guzman na buwagin ang Rice Tarrification Law.
Ito ang isa sa kaniyang mga plataporma sakali mang mahalal bilang susunod na pangulo ng bansa.
Ayon kay de Guzman, ito ay upang matulungan ang lokal na sektor ng mga magsasaka na luibos ng nakaranas ng pagkalugi ng dahil sa patuloy na pagtanggap ng pamahalaan ng imported na suplay ng bigay.
“Gusto ko na ‘yung Rice Tarrification Law na nagpahirap sa ating mga magsasaka nagbigay ng pagkakataon sa malaking mga negosyante na mag-import ng bigas tumambak sa mga palengke at nagresulta ng pagbaba ng presyo ng palay ng ating magsasaka ay repeal,” ayon sa panayam ng kandidato sa isinagawang E-Catholic Forum ng Radio Veritas.
Nais din ni de Guzman na bawasan ang masyadong pagasa ng Pilipinas sa imported na suplay ng isda.
Ito ay upang matulugan at maproteksyunan ang lokal na sektor ng mga mangingisda at maiwasan ang mga pagkakataon ng pananamantala sa presyo ng kanilang mga ibinebentang isda.
Patuloy naman ang paanyaya ng Radio Veritas 846 na tunghayan ang isinagawang Catholic E-forum na bahagi ng voter education campaign na One Godly Vote.