1,330 total views
Nanawagan ang Federation of Free Farmers (FFF) sa pamahalaan na palakasin ang lokal na produksyon ng mga magsasaka at mangingisda.
Ito ay sa gitna ng Rice Tarrification Law na malawakan ang pagtanggap ng imported na bigas upang maibsan ang kakulangan ng supply sa mga pamilihan.
Ayon kay Raul Montemayor – Pangulo ng FFW, napapanahon na ang pinaigting na pagtulong sa mga local rice farmers tulad ng pagkakaroon ng mga post-harvest facilities.
“Importers and traders pocketed the gains from cheaper imports, even as many undervalued their shipments to reduce their tariff obligations, many now call the RTL as the Rice Traders Liberalization Law.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Montemayor sa Radio Veritas.
Nanawagan naman si Montemayor na pabilisin ang deliveries ng bigas at iba pang agricultural products kasabay ng pagtaas sa presyo ng bigas at pagpapatupad ng Executives Order No.39.
Hinimok ni Montemayor ang pamahalaan na buwagin ang pamamayagpag ng mga middle men sa pagitan ng mga magsasaka at mangingisda na dahilan ng mababang halaga ng mga agricultural product.
“Most important, we should renew trust and confidence in our own farmers, and exorcise the myth that open markets are the best guarantee for our food security.” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Montemayor
Sa datos ng consumers group na Bantay Bigas, sa pag-iral ng Rice Tarrification Law simula pa noong 2019, sa halip na makatulong sa mga magsasaka ay nalugi pa ang sektor ng 19-bilyong piso.
Patuloy din ang pakikiisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines as mga magsasaka upang mapalakas ang mga pananawagan ng suporta sa pamahalaan at matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang Pilipinas.