Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Rise UP, nanawagang suportahan ang ‘Heal Our Land” campaign

SHARE THE TRUTH

 178 total views

Nagpahayag ang grupong Rise Up nang buong suporta sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ‘Heal our Land’ mass ang mga pamilya ng drug related killings na itinakda sa November 5.

“In truth, the families affected by drug-related killings have endured months of isolation and have even faced a stigma of being labelled as criminals, hustlers, and generally unredeemable burdens on society. Duterte’s attacks against the poor have continued to fuel unfair and nasty public disdain. Our experience bears out that the families affected by drug-related killings are as diverse and as human as any. Their desire to be embraced with compassion is real,” ayon sa pahayag ng Rise Up.

Ang Heal Our Land Mass ay isasagawa sa Edsa Shrine dakong alas-3 ng hapon.

Ang Rise Up for Life and Rights ay alyansa na nagsusulong ng karapatang pantao kasama ang mga pamilyang biktima ng mga pinaslang dahil sa droga na naniniwalang dapat nang mahinto ang pagpaslang at simulan na ang paghilom ng buong bansa.

Giit pa ng Rise Up, hangga’t patuloy na may pinapatay ay nananariwa rin sa mga biktima ang kanilang karanasan na nawalan ng mahal sa buhay at hindi na nabigyan nang pagkakataon para makapagbago.

“We seek to live out a noble goal to “Stop the Killings! Start the Healing!” Giving pause to recognize that, under current circumstances, we should be loud, united, and firm in our call, we must start the healing,” ayon pa sa pahayag.

Sa pahayag ng Rise UP, hinihikayat din ng grupo ang bawat parokya at mga barangay na magpadala ng kanilang kinatawan at makiisa sa panawang pagdarasal para mahinto na ang mga pagpaslang na karaniwang mga biktima ay pawang mga mahihirap.

Inaayayahan ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mamamayan na makiisa, para sa sabay-sabay na panalangin para sa ikakapayapa ng bansa sa pamamagitan ng pag-ako sa ating mga pagkukulang at paghingi ng kapatawaran.

Sa loob ng 2 taong pag-iral ng giyera kontra droga, higit sa 13,000 na ang naiulat na napaslang na siyang kinokondena ng iba’t ibang grupo kabilang na ang simbahan na maling tugon sa problema ng bansa laban sa droga.

Nagtayo rin ang ilang mga diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa ng community based drug rehabilitation program bilang tugon sa problema ng bansa sa ilegal na droga.

Ilan sa mga community based drug rehabilitation ng simbahan ay ang Sanlakbay at Kaunting Pahinga ng Archdiocese of Manila; Salubong ng Diocese ng Caloocan; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ng Diocese ng Novaliches; Pastoral Approach to Rehabilitation and Reformation ng Diocese ng Cubao at Labang ng Archdiocese of Cebu.

GALILEE Homes, Ang Galilee Homes ay isang drug rehabilitation facility sa ilalim ng Diocese of Malolos na itinatag noong 1987.

Ang Galilee na may lawak na 3.5 hectares ay matatagpuan sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan na hindi tulad ng ibang rehabilitation centers, ito ay walang mataas na bakod, gate at guwardiya na nagbabantay.

Nauna rito, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa sambayanang Pilipino partikular sa pamahalaan na huwag sumuko sa mga naliligaw ng landas lalo na sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamut.
See: Huwag sumuko sa mga naligaw ng landas sa droga -Cardinal Tagle

Inilunsad din ng Archdiocese of Manila ang “Huwag kang Magnakaw ng Buhay” campaign.

See: Huwag Kang Magnakaw Ng Buhay Movement, ilulunsad ng Archdiocese of Manila
SANLAKBAY program, may 12 Parokya ng tutulong sa drug surrenderers
Simbahan, bukas ang pintuan sa drug dependents-Cardinal Tagle

Inilunsad din ng Diocese of San Pablo Laguna ang 12 Steps Rehab program para sa mga lulong sa droga na nagnanais magbagong buhay.
Read: 12 steps rehab program, inirekomenda ng Diocese of San Pablo.

Nagsisilbi sa kasalukuyan na pag-asa ng mga lulong sa droga ang itinatatag ng Diocese of Legazpi na HARONG PAGLAOM (House of Hope), isang community-based rehabilitation program na nagbibigay ng recovery coaching, spiritual guidance at life skills training sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamut katuwang ang local government units partikular ang mga barangay.

Read: Diocese of Legazpi, umaapela kay Pangulong Duterte na ipatigil ang EJK

Bukas din para sa mga drug surrenderer ang “Kakadua o Kasama program” ng Diocese of Bangued Abra.

Read:  Kasama drug rehab program, inilunsad ng Diocese of Bangued

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 55,734 total views

 55,734 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 66,809 total views

 66,809 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 73,142 total views

 73,142 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 77,756 total views

 77,756 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 79,317 total views

 79,317 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 7,938 total views

 7,938 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 12,948 total views

 12,948 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 15,125 total views

 15,125 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 19,756 total views

 19,756 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 19,944 total views

 19,944 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 28,794 total views

 28,794 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 51,092 total views

 51,092 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 49,450 total views

 49,450 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 56,316 total views

 56,316 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 67,380 total views

 67,380 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 64,752 total views

 64,752 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 67,792 total views

 67,792 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 67,153 total views

 67,153 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 77,388 total views

 77,388 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 77,062 total views

 77,062 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top