64,330 total views
Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay.
Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs.
Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha ni presidential candidate Leonora “Leni” Robredo ang highest score na 37-porsiyento.
Pangalawa naman si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mayroong 27-percent, na sinundan ni Senador Panfilo Lacson na mayroong 19-porsiyento, 9-percent si Isko Moreno, one-percent sina Senador Bato dela Rosa, Bong Go at Senador Manny Pacquiao habang 4-porsiyento sa mga respondents ang undecided.
Nilinaw ni Fr. Anton CT. Pascual, Pangulo ng Radio Veritas 846, na ang resulta ng V-T-S ay batayan ng “servant leadership persona” ng bawat kandidato na naghahangad na maging pangulo ng Pilipinas sa 2022 national elections.
Inihayag naman ni V-T-S Head Bro. Clifford Sorita na ang isinagawang V-T-S ay hindi isang “voting preference survey” kundi isang insight kung paano inuugnay ng mga Katoliko ang values and beliefs sa persona ng ibobotong kandidato.