254 total views
Tuloy ang laban at hindi matitinag para sa katotohanan.
Ito ang binigyan diin ni running priest Fr. Robert Reyes sa kabila ng kasong sedisyon na iniuugnay sa kaniya at ilan pang mga lingkod ng simbahan.
Giit ni Fr. Reyes, hindi siya natitinag sa mga bantang pagpapatihimik ng mga kritiko ng administrasyon ni pangulong Rodrigo Duterte.
“No way, It doesnt change anything, I’ll continue speaking, I’ll continue running, I’ll continue saying mass in public and on the streets,” ayon kay Fr. Reyes sa panayam ng Radio Veritas.
Ayon pa sa pari, bilang lingkod ng panginoon ipagpatuloy nito ang misyon na kanyang sinumpaan bilang pari-ang pagpapahayag ng katotohanan at ng mga salita ng Diyos.
“I’ll continue being the priest that I am called to be, it’s our nature as called by God,” ayon pa kay Fr. Reyes.
Hamon ni Fr. Reyes sa mananampalatayang sumusuporta at naniniwala sa kanilang ipinaglalaban na bukod sa panalangin ay mahalagang samahan ito sa mga adbokasiyang nagtataguyod sa dignidad ng buhay, katarungan at katotohanan sa gitna ng mga maling paratang.
Read: Speak now, silence is not an option
Solidarity mass para sa mga inuusig na lider ng Simbahan, pangungunahan ng AMRSP
CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari
Kilala ang pari na hayagang pumupuna sa mga polisiya ng pamahalaan partikular ang giyera kontra droga ng kumitil sa higit 20, 000 indibidwal batay sa tala ng iba’t ibang human rights group.
Binigyang diin ni Fr. Reyes na ang pagsampa ng sedition case laban sa 36 na indibidwal ay isang hakbang ng administrasyon upang patahimikin ang mga kritiko na pumupuna sa pangulo.