238 total views
Muling nagpasalamat ang Congregation of the Religious of the Virgin Mary o RVM Sisters sa mga nagpaabot ng suporta at panalangin nang matinding maapektuhan ng COVID-19 ang buong kumbento.
Sa inilabas na pahayag ni RVM Superior General Mother Maria Corazon Agda, sinabi nito na malaki ang naitulong ng pagmamalasakit ng mga taong nasa labas ng kumbento upang malampasan nila ang pagsubok na kinaharap.
“There are not enough words to capture how touched we have been and how grateful, beyond expression,” pahayag ni Mother Agda.
Sinabi ni Mother Agda na ang kabutihang-loob na kanilang natanggap at naramdaman ang nakatulong sa mga RVM Sisters upang mas palalimin ang pananampalataya at tatagan ang loob sa kabila ng takot at pagluluksang idinulot ng COVID-19 sa kumbento.
“By your kindness, our Sisters with our lay partners have acknowledged with renewed gratitude that God is indeed present, that He truly cares. By your prayers, we gained courage to cross our ‘covid-colored’ valley of fear,” ayon sa pahayag.
Magugunita nitong Setyembre nang magpositibo sa COVID-19 ang 62 madre at 52 personnel ng Saint Joseph Home at kumbento ng mga RVM Sisters sa Quezon City.
Sa nasabing bilang ng mga nagpositibong madre, 11 ang naitalang nasawi na pawang mga nasa edad 79 hanggang 98 taong gulang.