147 total views
Mas mainam ang plano ng Administrasyong Duterte na federal form of government.
Ito ang pahayag ni dating Senate President at author ng Local Government Code Aquilino ‘Nene’ Pimentel sa katunayan aniya itinutulak niya ito sa Kongreso subalit natabunan na lamang ng panahon.
Ayon kay Pimentel sa Federalismo, madadagdagan ang kapangyarihan ng local government units (LGUs) na magbibigay pag-unlad dito dahil sa hindi lamang ito sesentro sa agrikultura, kalusugan at social welfare.
“Noong unang mga araw Napakagrabe ng konsentrasyon ng kapangyarihan sa central government at kakaunti lamang ang kapangyarihan ng local government local, until nagawa tayo ng local govt code at dadagdagan ang mga kapangyarihan sa lgu, pero dun lamang sa tatlong departamento agriculture, health at social welfare, so nakikita natin umuunlad ng kaunti ang sambayanan pero marami pang kailangan na gawin lalo magiging maunlad, sa tingin ko ay the next step should be the adoption of the federal system. Ganun po yun basically.” Pahayag ni Pimentel sa panayam ng Radyo Veritas.
Pahayag pa ng dating senador, sa pagkakaroon ng federal system of government, hindi lamang amendment kundi revision ng Saligang Batas ang kailangan.
“When you talk about federal system of government kailangan mabago ang Saligang Batas therefore pag inamyenda natin ang Saligang Batas para magkaroon ng federal sysem, weather we want a federal presidential government or federal parliamentary government nasa atin na po yun.” Ayon pa kay Pimentel.
Kaugnay nito, inihayag pa ni Pimentel na sa local government code, tatlong departmento lamang ang nabawas sa national government, ito ang agriculture, health at social welfare kung saan sa hatian ng pondo sa koleksyon lamang ng Bureau of Internal Revenue nakakakuha ang LGUs.
“Parang nabawasan ang kapangyarihan ng central government because of the local govt. code tungkol sa tatlong departamento, agriculture, health at social welfare, pinakamabigat tungkol lamang sa pera collected by the BIR, lahat ng other income ng govt hindi kasali, 60% ng buwis na collected ng BIR nasa central govt, habang 40% napupunta sa gobyerno lokal at sa LGUs apat ang mag di-divide doon, probinsiya, siyudad, munisipyo at barangay.” Pahayag pa ni Pimentel.
Ang Pilipinas ay may 18 rehiyon o 17 administrative at 1 autonomous at sa Federal form of government, lahat ng ito bibigyan ng kapangyarihan na hindi naman mababalewala ang national government.