550 total views
Wakasan ang paniniil, at korapsyon na nagpapahirap sa bayan.
Ito ang mensahe ni 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa ika-50 anibersaryo ng Martial Law declaration ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa obispo, mahalagang magbuklod ang mga Pilipino para makamit ng mamamayan ang tunay na pag-unlad na kapaki-pakinabang sa bawat isa.
“Let us work for justice and development in our country. End the tyranny of corruption and greed,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.
Sinabi ni Bishop ni Bishop Bacani, dapat bantayan ng mga Pilipino ang tinatamasang demokrasya sa bansa na ipinaglaban ng mamamayan noong 1986 EDSA People Power Revolution at maiwasang maulit ang karanasan.
Batay datos ng Amnesty International nasa 3,000-katao ang nasawi sa karahasan noong martial law ng dating diktador na umiral sa loob ng 14-taon, habang 70-libo takao naman ang biktima ng human rights violations.
Iginiit ni Bishop Bacani na tungkulin ng bawat Pilipino ang pagpapanatiling malaya ng bansa sa anumang uri ng karahasan tulad ng mga karanasan ng batas militar.
“Let us make sure martial law with its abuses never happens again,” saad ni Bishop Bacani.
Ayon naman Kay Balanga Bishop Ruperto Santos na ang paggunita sa deklarasyon ng batas militar ay pagpapahalaga sa buhay ng tao kaya’t dapat na pahalagahan ang mga aral na natutuhan sa madilim na kasaysayan ng bansa.
“Commemoration of Martial Law is to defend life and upholding justice; to show that we cherish what we learned from Martial Law is to promote and to protect our rights and freedom,” pahayag ni Bishop Santos.
Patuloy na panawagan ng simbahan sa mga Pilipino ang pagbibigay halaga sa pagsisikap ng mga ninuno na makamtan ang kalayaan ng bansa mula sa paniniil.